Mga setting ng lokasyon ng Google app

Gamitin ang mga tagubilin sa ibaba upang pamahalaan ang mga setting ng lokasyon na ginagamit ng Google app, kabilang ang History ng Lokasyon at pagtatakda ng iyong mga address ng tahanan at trabaho.

Location History

Sa pamamagitan ng Location History, maaaring magpakita ang Google app sa iyo ng kapaki-pakinabang na impormasyon batay sa mga napuntahan mo kasama ng iyong device kung saan ka naka-sign in. Halimbawa, ginagamit ng Google app ang iyong mga nakaraang lokasyon upang gumawa ng mga bagay gaya ng pagpapakita sa iyo ng mga update sa trapiko para sa iyong araw-araw na pag-commute sa pamamagitan ng pag-aaral ng ruta na dinaraanan mo papunta sa trabaho.

I-on o i-off ang Location History
  1. Depende sa iyong device, buksan ang mga setting ng Google sa isa sa mga lugar na ito:
    • App ng Mga Setting Mga Settingat pagkatapos ay Google
    • Mga Setting ng Google Mga Setting ng Google
  2. Mag-tap sa Lokasyon > Google Location History.
  3. I-on o i-off ang Location History para sa iyong account o mga device:
    • Google Account: Mag-tap sa itaas na switch upang i-on o i-off ang Location History para sa lahat ng device na nauugnay sa iyong Google Account.
    • Device lamang: Mag-tap sa switch na nasa tabi ng nakalistang device upang i-on o i-off ang Location History para sa device lamang na iyon.

Tandaan: Kapag in-off mo ang Location History, ihihinto mo ang pagse-save ng bagong impormasyon tungkol sa mga napuntahan mo. Upang alisin ang mga nakaraang lokasyon, kailangan mong i-delete ang iyong Location History. Gayunpaman, kapag na-delete mo ang iyong Location History, hindi gagana ang ilang feature ng Google Now.

Kapag na-on mo ang Location History, sine-save lang ng Google ang impormasyong ito para sa mga device na naka-sign in sa iyong Google Account at naka-on ang Location History para sa device na iyon.

Tingnan ang iyong Location History
  1. Bisitahin ang page ng Location History.
  2. Sa kaliwang itaas sa ilalim ng "Timeline," piliin ang yugto ng panahon kung kailan mo gustong makita ang Location History.
I-delete ang iyong Location History
  1. Bisitahin ang page ng Location History.
  2. I-delete ang iyong location history:
    • Ayon sa petsa: Piliin ang I-delete ang history mula sa araw na ito upang i-delete ang history para sa pinili mong petsa. Kung pumili ka ng isang hanay ng mga araw at pinili ang I-delete ang history mula sa yugto ng panahong ito, ide-delete mo ang history para sa lahat ng araw na tinitingnan mo.
    • Ayon sa indibidwal na lokasyon: Pumili ng indibidwal na lokasyon mula sa listahan o mapa. Sa bubble, piliing i-delete ang nakaraang lokasyong iyon mula sa iyong history.
    • Buong history: Piliin ang I-delete ang lahat ng history.

Itakda ang mga lokasyon ng iyong tahanan at trabaho

Itakda ang mga address ng iyong tahanan at trabaho para sa impormasyon sa trapiko ng pag-commute, tulong sa pagbiyahe at higit pa.

  1. Buksan ang Google app Google .
  2. Sa kaliwang itaas na sulok, mag-tap sa Menu menu icon at pagkatapos ayI-customize at pagkatapos ay Mga Lugar.
  3. Mag-tap sa Tahanan o Trabaho, pagkatapos, ipasok ang address.

Tandaan: Kapag nagdagdag ka ng lokasyon ng tahanan o trabaho sa Google app, hindi mo na ito made-delete. Maaari mong baguhin ang address ng tahanan o trabaho sa pamamagitan ng mga hakbang sa itaas.