Sumasangguni ang Personal Intelligence sa AI Mode sa mga nakaraang paghahanap at aktibidad na naka-save sa iyong History ng Mga Serbisyo ng Search para magbigay ng mga suhestyong iniakma sa mga hilig at preference mo. Posibleng hindi palaging tama ang pag-personalize ng AI Mode. Kung magkakamali ang AI Mode, palagi kang may kontrol sa pag-follow up para iwasto o linawin ito.
Mahalaga: Available ang pag-personalize ng AI Mode kung ikaw ay 18 taong gulang pataas at naka-enable ang iyong history at mga naka-personalize na rekomendasyon.
- Puwede kang mag-opt in o mag-opt out sa pag-personalize anumang oras sa pamamagitan ng pagbago sa iyong setting ng mga naka-personalize na rekomendasyon.
- Puwede mong pamahalaan o i-delete ang aktibidad sa Search anumang oras mula sa myactivity.google.com. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng iyong aktibidad sa Search.
Makakuha ng mas iniangkop na experience gamit ang memory sa AI Mode
Kung naka-enable sa iyo ang history at mga naka-personalize na rekomendasyon, puwede kang makakuha ng naka-personalize na experience mula sa AI Mode gamit ang memory ng mga nakaraan mong paghahanap at interaction sa paglipas ng panahon. Sa pamamagitan ng direktang pagsasabi sa AI Mode ng mga detalye o preference na gusto mong matandaan o makalimutan, mas maiaangkop pa ng AI Mode ang mga sagot batay sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyo. Available ang experience na ito sa US, sa English.
Pamahalaan ang memory ng AI Mode
Puwede mong atasan ang AI Mode na tandaan o kalimutan ang mga partikular na detalye para makakuha ng mga mas kapaki-pakinabang na sagot. Halimbawa:
- Para tandaan: Sabihin sa AI Mode, "Remember [specific detail]" (Tandaang [partikular na detalye]).
- Halimbawa: “Remember I prefer Italian food” (Tandaang mas gusto ko ng pagkaing Italian).
- Para kalimutan: Sabihin sa AI Mode, “Forget [specific detail]" (Kalimutang [partikular na detalye]).
- Halimbawa: “Forget I prefer Italian food” (Kalimutang mas gusto ko ng pagkaing Italian).
- Para suriin ang nalalaman ng AI Mode tungkol sa iyo: Humingi ng buod
- Halimbawa: “What do you know about me?” (Ano ang alam mo tungkol sa akin?)
- Para i-update: Magbigay ng bagong detalye.
- Halimbawa: “I don’t run marathons anymore” (Hindi na ako tumatakbo sa mga marathon).
I-supercharge ang Personal Intelligence: Ikonekta ang iyong mga Google content app
Makakatulong ang pagkonekta ng iyong mga Google content app, simula sa mga Workspace app (Gmail at Calendar) at Google Photos, na mas pahusayin pa ang Personal Intelligence sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga impormasyon sa higit pa sa mga Google content app mo. Kung pipiliin mong ikonekta ang mga Google content app sa mga serbisyo ng Search, puwede mong gamitin ang sarili mong personal na konteksto at mga insight para makakuha ng mga sagot sa AI Mode na natatanging iniangkop sa iyo. Puwede mong piliing ikonekta o idiskonekta ang iyong mga Google content app anumang oras.
Available ang feature na ito sa mga user na 18 taong gulang pataas.
Tandaan: Kapag pinahintulutan ang experience na ito, papahintulutan ang lahat ng serbisyo ng Search na i-access ang Workspace at Google Photos. Kasama sa mga serbisyo ng Search ang Google Search (kasama ang AI Mode at Discover), Maps, Shopping, News, Flights, Mga Hotel, at Translate.