Para masulit ang Google Search, mag-sign in sa iyong Google Account. Kapag naka-sign in ka, magagawa mong:
- I-personalize ang iyong karanasan sa Paghahanap
- Manatiling organisado gamit ang Mga Save at Koleksyon
- Pamahalaan ang iyong history ng Paghahanap
- Makakuha ng access sa higit pang advanced na feature ng AI
Kapag nag-sign in ka, mananatiling naka-synchronize ang iyong mga setting at impormasyon sa lahat ng naka-sign in mong device, nasa telepono, tablet, o computer ka man.
Tip: Magdagdag ng mga opsyon sa pag-recover sa iyong account para makabalik ka sa account mo kung makalimutan mo ang iyong password.
Maunawaan ang mga pangunahing benepisyo ng pag-sign in
Kapag naka-sign in ka, magagawa mo ang mga sumusunod:
- Pamahalaan ang iyong history ng Paghahanap at mga setting ng privacy: Para hanapin ang history ng paghahanap at pag-browse, pumunta sa myactivity.google.com. Puwede mong i-delete ang mga indibidwal na paghahanap o ang buo mong history ng Paghahanap anumang oras.
- I-sync sa lahat ng iyong naka-sign in na device: Susundan ka ng iyong experience ng naka-sign in, tulad ng mga preference, history, at pag-personalize mo, sa lahat ng naka-sign in na device.
- Pamahalaan ang Mga naka-save na item at Koleksyon: I-save at isaayos ang iyong mga paboritong larawan, web page, at lokasyon sa Mga Koleksyon.
- I-personalize ang iyong Search: Puwede kang makakuha ng mas naka-personalize na experience sa Search batay sa iyong mga naka-save na interes at aktibidad sa mga serbisyo ng Google. Posibleng kasama rito ang naka-personalize na Discover feed, mga iniangkop na resulta ng pelikula at restaurant, mas mahuhusay na suhestyon sa autocomplete, at higit pa.
- AI Mode: I-access ang iyong history ng chat pati na rin ang mga feature ng AI gaya pag-generate ng larawan.
Mag-sign in sa iyong Google Account
Para ma-access ang iyong mga naka-personalize na feature:
- Sa iyong computer, pumunta sa google.com.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-sign in.
- Pumili ng account na isa-sign in kung nag-sign in ka na dati.
- O kaya, ilagay ang impormasyon ng iyong Google Account tulad ng email o numero ng telepono.
- Sundin ang mga hakbang sa pagpapahintulot para mag-sign in sa iyong Google Account.
Pamahalaan ang iyong Mga naka-save na item at Koleksyon
Kapag naka-sign in, puwede kang mag-save ng mga larawan, destinasyon ng biyahe, at web page para sa madaling pag-access sa ibang pagkakataon.
- Para i-save: Sa anumang resulta ng paghahanap o larawan, i-click ang I-bookmark
.
- Para hanapin: Pumunta sa https://www.google.com/interests/saved.
- Para i-organize:
- Pumili ng koleksyon.
- I-click ang Gawin +.
- Maglagay ng pangalan tulad ng ”Home Decor” o ”Mga Ideya sa Bakasyon.”
- Pagkatapos, puwede mong ilipat ang mga naka-save na item sa mga folder na ito.
Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang iyong mga koleksyon at naka-save na item.
Tuklasin kung ano ang puwede mong i-save
Nagbibigay-daan sa iyo ang Google na mag-save ng ilang partikular na uri ng content nang direkta mula sa mga resulta ng paghahanap.
- Mga web page at link: Mag-bookmark ng mga artikulo, post sa blog, o anumang pangkalahatang website.
- Mga Larawan: Direktang mag-save ng larawang gusto mo mula sa Google Images.
- Lugar: Mag-save ng mga lokasyon mula sa Google Maps o mga resulta ng lokal na negosyo sa Search.
- Mga Recipe: Mag-store ng mga recipe na nahanap sa pamamagitan ng paghahanap sa nakalaang koleksyong “Cookbook” ng Google.
- Mga produktong bibilhin: Subaybayan ang mga partikular na produkto o item na gusto mong bilhin.
I-personalize ang iyong karanasan sa Paghahanap
Puwede mong i-personalize ang iyong experience sa Search at AI Search para makuha mismo ang kailangan mo, tulad ng:
- Maghanap ng mga balita at paksang tumutugma sa iyong mga interes sa Discover.
- Bigyang-priyoridad ang mga site na madalas mong binibisita sa iyong mga resulta ng paghahanap.
- Makakuha ng mga resultang tumutugma sa iyong mga preference sa wika.
- Alamin kung ano ang malapit kapag naghanap ka ng isang bagay tulad ng "mga coffee shop."
Para i-on ang pag-personalize ng Search:
- Habang naka-sign in, pumunta sa Pag-personalize ng Search.
- Para makakuha ng mga resultang iniangkop sa iyong mga interes, i-on ang I-personalize ang Search.
- Sa ilalim ng “Iyong data sa Search,” puwede mong pamahalaan ang mga preference mo gaya ng content, streaming, at shopping.