Tingnan ang mga web page na naka-cache sa Mga Resulta ng Paghahanap sa Google

Ipinapakita sa iyo ng mga naka-cache na link kung ano ang hitsura ng web page nang huli itong binisita ng Google.

Tungkol sa mga naka-cache na link

Kumukuha ang Google ng mga snapshot ng bawat web page bilang backup kung sakali mang hindi available ang kasalukuyang page. Nagiging bahagi ng "cache" ng Google ang mga page na ito. Kung nag-click ka sa isang link na nagsasabing “Naka-cache,” makikita mo ang bersyon ng site na inimbak ng Google.

Kung mabagal o hindi tumutugon ang website na sinusubukan mong puntahan, maaari mong gamitin ang naka-cache na link.

Paano makapunta sa isang naka-cache na link

  1. Sa iyong computer, hanapin sa Google ang page na gusto mong mahanap.
  2. I-click ang berdeng pababang arrow sa kanan ng URL ng site.
  3. I-click ang Naka-cache.
  4. Kapag nasa naka-cache na page ka na, i-click ang kasalukuyang link sa page upang bumalik sa live na page.

Tip: Kung mayroong isang naka-cache na page na kailangan mong alisin mula sa mga resulta ng Google Search, alamin kung paano alisin ang luma o tinanggal na impormasyon mula sa Google.