Matuto pa tungkol sa isang larawan

Makakahanap ka ng higit pang impormasyon tungkol sa larawang makikita mo online.

Mahalaga: Kasalukuyang available lang ang feature na ito sa ilang rehiyon.

Maghanap ng impormasyon tungkol sa larawan

  • Para matuto pa tungkol sa larawang mula sa Google Search:
    1. Sa Google app o sa Google homepage, maghanap ng larawan.
    2. Buksan ang “Viewer ng Larawan.”
    3. Pillin ang at pagkatapos Tungkol sa larawang ito.
  • Para matuto pa tungkol sa isang larawang nasa page na mula sa Tungkol sa page na ito:
    • Kung available, sumangguni sa seksyong “Tungkol sa larawang ito” at pumili ng larawan.
  • Para matuto pa tungkol sa larawang mula sa Google Lens

    Mahalaga: Kasalukuyang available lang ang feature na ito sa Google App sa Android at iOS.

    1. Gamit ang Google app, sa search bar, i-tap ang Google Lens para Maghanap gamit ang isang larawan sa Google.
    2. Mag-swipe pataas para makakita ng higit pang resulta.
    3. Sa ibaba ng search bar, piliin ang tab na Tungkol sa larawang ito.
  • Para matuto pa tungkol sa larawan gamit ang Circle to Search:
    1. Simulan ang Circle to Search.
    2. Pumili ng larawang hahanapin.
    3. Mag-swipe pataas para makakita ng higit pang resulta.
    4. Sa ibaba ng search bar, piliin ang tab na Tungkol sa larawang ito.

Posibleng makita mo sa available na impormasyon ang mga sumusunod:

  • Kung kailan posibleng unang nakakita ang Google ng katulad na bersyon ng larawan.
  • Ang iba pang page na gumamit ng mga katulad na bersyon ng larawan.
  • Ang mga page kung saan posibleng mas naunang nakita ang larawan kumpara sa iba pang resultang nasa Tungkol sa larawang ito.

Kung kailan unang nakita ng Google ang larawan

Ang Tungkol sa larawang ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung kailan posibleng unang nakita ng Google ang larawan, o mga visual na katulad na larawan. Puwede kang matuto pa tungkol sa tinatayang tagal ng larawan gamit ang impormasyong ito.

Tip: Kapag nagsusuri ka ng mga larawan sa web, inirerekomenda ng mga eksperto na alamin kung mas luma o mas bago ang larawan kaysa sa iyong inaasahan. Makakatulong sa iyo ang impormasyon tungkol sa kung kailan posibleng unang nakita ang larawan para masuri kung wala sa konteksto ang larawan.

Paano ginagamit ng iba pang site ang larawan

Para matulungan kang maunawaan kung paano ginagamit ng iba pang site ang larawan, nagbibigay ang Tungkol sa larawang ito ng mga resulta ng paghahanap mula sa open web na naglalaman ng larawan o mga katulad na larawan.

Gumagamit ang seksyong ito ng kumbinasyon ng mga salik, kabilang ang visual na pagkakatulad at pagiging kapaki-pakinabang ng page, para bigyang-priyoridad ang mga resultang makakatulong sa iyong maunawaan ang konteksto ng larawan.

Tip: Kapag nagsusuri ka ng mga larawan sa web, inirerekomenda ng mga eksperto na dapat kang maghanap ng patunay ng mahahalagang claim, at maghanap ng higit pang pananaw mula sa iba pang gumagamit ng parehong larawan.

Mga naunang paggamit ng larawan

Kapag available, hina-highlight ng seksyong "Mga naunang paggamit" ang mga page kung saan nahanap ng Google ang larawan, o mga katulad na larawan, at mas unang lalabas ang mga page na iyon kaysa sa iba pang resultang ipinapakita. Puwede kang matuto pa kung paano posibleng nagamit ang larawan sa mas naunang panahon.

Tip: Kapag nagsusuri ka ng mga larawan sa web, inirerekomenda ng mga eksperto na hanapin mo ang orihinal na konteksto ng larawan para masuri kung sino ang posibleng gumawa o nag-upload ng larawan para maunawaan ang background o pananaw niya.

Paano ginawa o in-edit ang larawan

Makikita mo ang mga detalye na nauugnay sa mismong larawan at posibleng partikular sa site kung saan mo nakita ang larawan sa ilalim mismo ng larawan o sa seksyong “Paano ginawa o in-edit ang larawan." Kapag available, mabibigyan ka ng mga detalyeng ito ng konteksto tulad kung na-capture gamit ng camera o binuo gamit ng AI ang larawan. Sinasabi sa iyo ng seksyong “Impormasyon mula sa” kung sino ang nagkumpirma na tumpak ang mga detalyeng ito. Matuto pa tungkol sa mga detalye ng larawan.

Tip: Maghanap ng iba pang source na posibleng makatulong na ma-validate ang impormasyon ng metadata. Mahalagang tandaan na puwedeng baguhin ang metadata ng credit at uri ng digital na source gamit ang pagbuo ng larawan at mga tool sa pag-edit, kaya posibleng hindi ito tumpak.

Magbigay ng feedback sa “Tungkol sa larawang ito”

Nakakatulong ang iyong feedback para mapahusay namin ang feature na ito para sa lahat.

  1. Sa ibaba ng page, i-click ang Magpadala ng Feedback.
  2. Ilagay ang iyong feedback.
  3. I-click ang Ipadala.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5009478349295976163
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false