Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Paano maghanap sa Google

Alamin ang ilang tip at trick para matulungan kang madaling makahanap ng impormasyon sa Google.

Tip 1: Magsimula sa mga pangunahing kaalaman

Anuman ang hinahanap mo, magsimula sa simpleng paghahanap gaya ng saan ang pinakamalapit na airport?. Puwede kang magdagdag anumang oras ng ilang mapaglarawang salita kung kinakailangan.

Kung naghahanap ka ng isang lugar o produkto sa isang partikular na lokasyon, idagdag ang lokasyon. Halimbawa, bakery Cebu

Tip 2: Maghanap gamit ang iyong boses

Pagod na sa pag-type? Para maghanap gamit ang iyong boses, i-tap ang Mikropono  Alamin kung paano maghanap gamit ang iyong boses.

Tip 3: Maingat na pumili ng mga salita

Kapag nagpapasya ka kung anong mga salita ang ilalagay sa box para sa paghahanap, subukan ang mga salitang malamang na lalabas sa site na hinahanap mo. Halimbawa, sa halip na sabihing masakit ang ulo ko, sabihin ang pananakit ng ulo, dahil iyon ang salita na gagamitin ng isang medikal na site.

Tip 4: Huwag mag-alala tungkol sa maliliit na bagay

  • Spelling: Awtomatikong ginagamit ng spell checker ng Google ang pinakakaraniwang spelling ng isang salita, tama man ang spelling mo o hindi. 
  • Pag-capitalize: Ang paghahanap para sa Mabila Bulleting ay pareho ng paghahanap para sa manila bulletin.

Tip 5: Maghanap ng mga instant na impormasyon

Para sa karamihan ng paghahanap, ang Google na ang gagawa ng trabaho para sa iyo at magpapakita ito ng sagot sa iyong tanong sa mga resulta ng paghahanap. Hindi available sa lahat ng rehiyon ang ilang feature, gaya ng impormasyon tungkol sa mga sports team. 

  • Lagay ng Panahon: Hanapin ang lagay ng panahon para makita ang lagay ng panahon sa iyong lokasyon o magdagdag ng pangalan ng lungsod, gaya ng lagay ng panahon Cebu, para mahanap ang lagay ng panahon para sa isang partikular na lugar.
  • Diksyunaryo: Ilagay ang define sa harap ng anumang salita para makita ang kahulugan nito. 
  • Mga Kalkulasyon: Maglagay ng math equation gaya ng 3*9123, o maglutas ng mga kumplikadong graphing equation.
  • Mga pag-convert ng unit: Maglagay ng anumang pag-convert, gaya ng 3 dolyar sa peso.
  • Sports: Hanapin ang pangalan ng iyong team para makakita ng iskedyul, mga score ng laro at higit pa. 
  • Mga mabilis na katotohanan: Hanapin ang pangalan ng isang celebrity, lokasyon, pelikula, o kanta para makakita ng nauugnay na impormasyon. 

Mga tip para sa Ekspertong Paghahanap

Gusto mo ba ng higit pang mga tip at trick para matulungan kang maghanap gaya ng isang pro? Tingnan ang mga link sa ibaba para matuto nang higit pang diskarte sa advanced na paghahanap.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4625588258015196282
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false