Maghanap sa Madilim na tema sa Google

Sa isang browser, tulad ng Chrome o Firefox, puwede mong piliin ang mas gusto mong tema para sa Google Search. Kung mas gusto mo ang isang partikular na scheme ng kulay para sa mga page ng Search, puwede mong piliing palaging gumamit ng Maliwanag na tema o Madilim na tema. Kabilang sa mga page ng Search ang Google homepage, page ng resulta ng paghahanap, at mga setting ng Search.

Pumili ng tema para sa mga page ng Search

Mahalaga: Bilang default, tumutugma ang scheme ng kulay para sa mga page ng Search sa scheme ng kulay ng device na ginagamit mo.

Para baguhin ang gusto mong tema para sa Search, puwede mong i-update ang iyong mga setting ng Search. Mase-save ang pipiliin mong tema sa bawat desktop kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account.

  1. Sa iyong computer, maghanap sa google.com.
  2. Kung gusto mo ang mga parehong setting ng Search sa lahat ng desktop browser, mag-sign in sa iyong Google Account. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mag-sign in.
    • Kung makikita mo ang iyong Larawan o inisyal sa profile, naka-sign in ka na.
  3. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos Tingnan ang lahat ng setting.
  4. Sa kaliwa, i-click ang Hitsura.
  5. Piliin ang Default ng device, Madilim na tema, o Maliwanag na tema.
    • Default ng device: Awtomatikong tumugma sa scheme ng kulay ng kasalukuyan mong device
    • Madilim na tema: Maliwanag na text sa madilim na background
    • Maliwanag na tema: Madilim na text sa maliwanag na background
  6. Sa ibaba, i-click ang I-save.
Tip: Para mabilis na magpalipat-lipat sa mga tema, i-click ang Mga Setting at pagkatapos Default ng device, Madilim na tema, o Maliwanag na tema.

Pumili ng tema sa mga mobile device

Mahalaga: Bilang default, tumutugma ang scheme ng kulay para sa mga page ng Search sa scheme ng kulay ng device na ginagamit mo.

Para baguhin ang gusto mong tema para sa Search sa mga mobile device at tablet, i-update ang iyong mga setting ng Search. Mase-save ang iyong mga setting ng tema sa lahat ng mobile device at tablet na ginagamit mo na naka-sign in sa Google Account.
  1. Sa iyong mobile device o tablet, maghanap sa google.com.
  2. Kung gusto mo ang mga parehong setting ng Search sa lahat ng mobile device browser, mag-sign in sa iyong Google Account. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mag-sign in.
    • Kung makikita mo ang iyong Larawan o inisyal sa profile, naka-sign in ka na.
  3. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  4. Sa ilalim ng “Hitsura,” piliin ang Default ng device, Madilim na tema, o Maliwanag na tema.
    • Default ng device: Awtomatikong tumugma sa scheme ng kulay ng kasalukuyan mong device
    • Madilim na tema: Maliwanag na text sa madilim na background
    • Maliwanag na tema: Madilim na text sa maliwanag na background
Tip: Para mabilis na magpalipat-lipat sa mga tema, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Madilim na tema: Naka-on o Madilim na tema: Naka-off.

Matuto tungkol sa Madilim na tema para sa iba pang produkto

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1090312769106475271
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false