Autocomplete

Habang nagta-type ka sa box para sa paghahanap, maaari kang makahanap ng impormasyon nang mabilis sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hula sa paghahanap na maaaring katulad ng mga termino para sa paghahanap na tina-type mo. Halimbawa, habang sinisimulan mong i-type ang [new york], maaari kang makakita ng iba pang mga popular na mga paghahanap na may kaugnayan sa New York.

Kapag nag-click ka ng isang hula sa paghahanap, gagawa ka ng paghahanap gamit ang hula na iyon bilang iyong termino para sa paghahanap. Ang mga posibleng termino sa paghahanap ay mga autocomplete na hula, hindi mga pahayag ng ibang tao o ginu-Google tungkol sa mga termino, at hindi kasagutan sa isang paghahanap na mayroon ka. Upang mahanap ang impormasyon tungkol sa isang paksa, tingnan ang iyong mga resulta ng paghahanap.

Bakit ito kapaki-pakinabang

  • Makatipid sa oras sa paghahanap. Pumili mula sa mga hula upang makahanap ng impormasyon nang mas mabilis habang nagta-type nang mas kaunti.
  • Pagwawasto sa spelling. Ibig mong sabihin: Melbourne Australia? Simulan ang paghahanap para sa [melborn] at magpapakita ang algorithm ng Google ng mas karaniwang mga spelling para sa kung ano ang iyong sinusubukang hanapin. Upang gamitin ang orihinal na bersyon ng iyong paghahanap sa halip na ang tamang pagbaybay, i-click ang Maghanap sa halip para sa
  • Ulitin ang isang paboritong paghahanap.  Maaari kang pumili mula sa mga hula batay sa mga paghahanap na nagawa mo na dati kung naka-sign in ka sa iyong Google Account at na-on mo ang Aktibidad sa Web at App.

Maaari ko bang i-off ang Autocomplete?

Hindi, naka-built in ang Autocomplete sa Paghahanap sa Google upang matulungan kang maghanap para sa impormasyon nang mas mabilis at mas madali. Maaari mong palaging piliin na huwag i-click ang mga hula ng Autocomplete.

Tungkol sa mga hula ng Autocomplete

Ang mga query sa paghahanap na nakikita mo bilang bahagi ng Autocomplete ay isang pagsasalamin ng aktibidad sa paghahanap ng mga user at nilalaman ng mga web page. Maaari mo ring makita ang mga hula mula sa:

  • Mga may-kinalamang paghahanap na nagawa mo na dati (kung naka-sign in ka at na-on ang Aktibidad sa Web at App)
  • Mga profile sa Google+ na tumutugma sa pangalan ng taong hinahanap mo

Bukod sa mga profile sa Google+ na maaaring lumitaw, ang lahat ng mga hula na ipinapakita sa drop-down na listahan na dating nai-type ng mga user ng Google o lilitaw sa web.

Para sa ilang paghahanap, magpapakita ang Google ng hiwalay na mga hula para lamang sa ilang huling salita.

Tungkol sa algorithm ng Autocomplete

Awtomatikong binubuo ang mga hula sa Autocomplete sa pamamagitan ng isang algorithm nang walang anumang kinalaman ang tao, batay sa ilang mga salik na layunin, kabilang ang kung gaano kadalas naghanap ang mga nakaraang user para sa term na iyon.

Awtomatikong nakikita at ibinubukod ng aming mga algorithm ang isang maliit na set ng mga termino sa paghahanap. Ngunit idinisenyo ito upang ipakita ang pagkakaiba-iba ng mga paghahanap ng aming mga user at nilalaman sa web. Kaya't tulad nang sa web, ang mga terminong ginamit sa paghahanap na ipinapakita ay maaaring mukhang kakaiba o nakakabigla.

I-troubleshoot kung hindi ka nakakakita ng mga hula

Kung walang lumitaw na mga hula para sa isang partikular na salita o paksa, maaaring ito ay dahil sa isa sa mga sumusunod na dahilan:

  • Hindi ganoon kasikat ang termino para sa paghahanap. Malamang na hindi kapaki-pakinabang sa Autocomplete ang mga query na hindi popular.
  • Masyadong bago ang terminong ginamit sa paghahanap. Maaaring tumagal nang ilang araw o linggo bago consistent na lumitaw ang mga bagong popular na termino sa paghahanap.
  • Napagkamalang isang paglabag sa patakaran ang termino para sa paghahanap. Minsan, sinusubukan naming hindi ipakita ang isang paghahanap sa isang wika na okay naman sa ibang wika. Halimbawa, maaaring aksidente naming huwag ipakita ang isang tambalang salita dahil kasama nito ang isang pagsasalin ng isang masamang salita sa ibang wika.