Pamahalaan ang mga paraan ng pagbabayad na idinagdag sa Google Wallet app

Puwede mong i-update, ayusin ulit, alisin, o bigyan ng nickname ang mga debit card, credit card, at iba pang paraan ng pagbabayad na idinagdag mo sa Google Wallet.

Mag-edit ng paraan ng pagbabayad

Hindi ka puwedeng mag-edit ng paraan ng pagbabayad sa Google Wallet app, pero mae-edit mo online ang paraan ng pagbabayad.

Puwede mong i-edit ang petsa ng pag-expire, card verification code (CVC), pangalan sa account, o iyong address. Kung hindi mo ma-update ang iyong pangalan o address, makipag-ugnayan sa suporta.

  1. Go to wallet.google.com.
  2. Click Payment methods.
  3. Choose the payment method that you want to update.
  4. Click Edit.

Tip: Para i-update ang petsa ng pag-expire o CVC ng nag-expire na card, sa tabi ng card, i-click ang Ayusin. Pagkatapos ay ilagay ang buwan (MM), taon (YY), at CVC.

Learn how to manage payment methods on the Google Wallet website.

Mga awtomatikong na-update na card

Kung nawala, nasira, nanakaw, o nag-expire ang isang card na na-save mo sa Google Wallet, posibleng awtomatiko itong i-update ng iyong bangko kapag nagawa na nito ang bagong card mo. Kapag na-update ang iyong card sa Google Wallet, magagamit mo ito para sa mga transaksyong magbayad nang contactless sa iyong device, kahit na wala pa sa iyo ang pisikal na card mo.

Tip: Para sa mga online na pagbabayad, posibleng kailanganin mong i-update ang iyong impormasyon sa Google Account mo kapag nakuha mo ang iyong pisikal na card.

Ayusin ulit ang iyong mga paraan ng pagbabayad

Para baguhin ang ayos kung paano nakikita ang iyong mga card sa pagbabayad sa wallet mo:

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Sa itaas, mula sa kanang dulo ng screen, mag-swipe pakaliwa para mag-scroll sa iyong mga paraan ng pagbabayad hanggang sa maabot mo ang huling paraan ng pagbabayad.
  3. I-tap ang I-edit ang ayos ng card .
  4. Para baguhin ang ayos: Pumindot nang matagal, at pagkatapos ay mag-drag ng card.
    • Unang makikita sa Google Wallet ang mga card sa itaas ng listahan.

Tip: Hindi magbabago ang iyong default na paraan ng pagbabyad kapag na-update mo ang ayos ng card. Alamin kung paano baguhin ang iyong paraan ng pagbabayad.

Mag-alis ng debit o credit card

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Hanapin ang paraan ng pagbabayad na gusto mong alisin.
    • Kung hindi iyon ang unang card, mag-swipe pakaliwa hanggang sa makita mo ito.
  3. I-tap ang card.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa More at pagkatapos ay Alisin ang paraan ng pagbabayad.

Bigyan ng nickname ang paraan ng pagbabayad

Para madaling tumukoy ng card sa pagbabayad kapag bumili ka sa Chrome, YouTube, o Play Store, puwede kang magdagdag ng nickname.

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Hanapin ang paraan ng pagbabayad na gusto mong bigyan ng nickname.
    • Kung hindi iyon ang unang card, mag-swipe pakaliwa hanggang sa makita mo ito.
  3. I-tap ang card.
  4. Sa ibaba ng screen, i-tap ang Mga Detalye.
  5. Sa ibaba, i-tap ang Magdagdag ng nickname.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Binubuo lang dapat ng mga titik at mas mababa sa 25 character ang iyong custom na pangalan.

Mag-alis ng nickname para sa paraan ng pagbabayad

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Hanapin ang paraan ng pagbabayad na gusto mo.
    • Kung hindi iyon ang unang card, mag-swipe pakaliwa hanggang sa makita mo ito.
  3. I-tap ang card.
  4. Sa ibaba ng screen, i-tap ang Mga Detalye.
  5. Sa ibaba, i-tap ang nickname ng paraan ng pagbabayad.
  6. I-delete ang nickname ng card.
  7. I-tap ang I-save.

 

Kailangan pa rin ng tulong?

Kung may mga isyu ka pa rin o anumang tanong, puwede kang magtanong sa komunidad o makipag-ugnayan sa amin.

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16524426602097119033
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
280
false
false