Baguhin ang iyong default na paraan ng pagbabayad sa Google Wallet app

Ang unang paraan ng pagbabayad na idaragdag mo sa Google Wallet ay magiging iyong default na paraan para sa mga contactless na pagbabayad. Kapag nag-tap at nagbayad ka sa mga store o iba pang sinusuportahang terminal, awtomatiko itong sinisingil.

Hanapin ang iyong default na paraan ng pagbabayad

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Sa itaas, sa iyong mga paraan ng pagbabayad, mag-swipe mula sa kanang dulo ng screen pakaliwa hanggang sa maabot mo ang huling paraan ng pagbabayad.
  3. I-tap ang I-edit ang ayos ng card .
  4. May simbolo ng contactless ang iyong default na paraan.

Tip: May ibang simbolo ng contactless ang mga card na magagamit para mag-tap at magbayad pero hindi mo default na paraan ng pagbabayad.

Baguhin ang iyong default na paraan ng pagbabayad

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Sa itaas, sa iyong card, mag-swipe mula sa kanang dulo ng screen hanggang sa makita mo ang card na gusto mong gamitin bilang iyong default na paraan ng pagbabayad.
  3. I-tap ang card.
  4. Sa ibaba, i-tap ang Mga Detalye at pagkatapos ay Gawing default para sa i-tap para magbayad.

Magbayad sa pamamagitan ng ibang card

Puwede kang mag-tap at magbayad gamit ang iba pang card na hindi mo default na card.

  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Sa itaas, sa iyong card, mag-swipe mula sa kanang dulo ng screen papunta sa kaliwa hanggang sa makita mo ang card na gusto mong gamitin.
  3. Itapat ang likod ng iyong telepono sa terminal ng pagbabayad.
  4. Kung na-prompt, piliin ang “Credit,” anuman ang uri ng iyong card.

Mag-ayos ng mga problema

Tinanggihan ang default na paraan ng pagbabayad
  1. Makipag-ugnayan sa iyong bangko para malaman kung may problema sa account mo.
  2. Kung hindi account mo ang problema, makipag-ugnayan sa retailer para sa higit pang impormasyon.
Hindi sinasadyang pagsingil sa ibang paraan ng pagbabayad
Alamin kung aling card ang itinakda mo bilang iyong default. Kung hindi ito ang card na gusto mo, i-update ang iyong default na paraan ng pagbabayad o alamin kung paano magbayad sa pamamagitan ng ibang card.
Hindi maitakda ang credit card sa store bilang default
Para maging default na card mo ang isang credit card sa store (pribadong label), kailangang ito lang ang card na idaragdag mo sa Google Wallet. Para magbayad sa ganitong paraan, alamin kung paano mag-alis ng mga paraan ng pagbabayad.

 

Kailangan pa rin ng tulong?

Kung may mga isyu ka pa rin o anumang tanong, puwede kang magtanong sa komunidad o makipag-ugnayan sa amin.

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17469702205988237064
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
280
false
false