Magdagdag ng debit o credit card sa Google Wallet app

Puwede kang magdagdag ng sinusuportahang card sa Google Wallet para magbayad sa mga store gamit ang iyong telepono o smartwatch.

Magdagdag ng bagong card

Sa Google Wallet app
  1. Buksan ang Google Wallet app .
  2. Sa ibaba, i-tap ang Idagdag sa Wallet .
  3. I-tap ang Card sa pagbabayad.
    • Ipapakita ang anumang card na na-save mo sa iyong Google Account.
  4. I-tap ang Bagong credit o debit card.
    • Para magdagdag ng card, gamitin ang iyong camera o i-tap ang O manual na maglagay ng mga detalye.
  5. Sa ibaba, i-tap ang I-save at magpatuloy.
  6. Basahin ang Mga Tuntunin ng Tagabigay at i-tap ang Tanggapin.
  7. Kung hihilingin sa iyo na i-verify ang paraan ng pagbabayad mo, pumili ng opsyon mula sa listahan. Alamin kung paano i-verify ang iyong paraan ng pagbabayad.

Tip: Pagkatapos ng hakbang na ito:

  •  Makakakita ka ng mensaheng naidagdag na ang iyong card at handa na itong magsagawa ng mga pagbabayad sa:
    • Mga Store
    • Online
    • O sa mga app kung saan tinatanggap ang Google Pay
  • Kung ibang mensahe ang makikita mo, alamin kung paano mag-ayos ng problema.

Pagkatapos mong magdagdag ng card, posibleng makakita ka ng maliit na transaksyon sa iyong account mula sa Google Wallet. Tinitiyak ng transaksyong ito na valid ang iyong card at account. Mawawala ang transaksyong ito sa lalong madaling panahon at hindi ito makakaapekto sa iyong balanse.

Mula sa app o website ng iyong bangko
  1. Buksan ang iyong mobile banking app o pumunta sa website ng bangko mo.
  2. Mag-log in sa iyong account.
  3. Hanapin ang button na Idagdag sa Google Wallet o Idagdag sa GPay at i-tap ito.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Kung hindi mo makita ang button na "Idagdag sa Google Wallet" o "Idagdag sa GPay," posibleng hindi sinusuportahan ng iyong card o institusyon sa pananalapi ang feature na ito. Para sa higit pang detalye, makipag-ugnayan sa iyong bangko.

Mag-ayos ng problema

“Hindi matapos ang pag-set up ng card para sa magbayad nang contactless”

Kung matatanggap mo ang mensaheng ito, hindi sinusuportahan ng iyong bangko ang mga contactless na pagbabayad para sa card mo. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong bangko.

Tip: Puwede mong sabihin sa iyong bangko na "Hindi ko maidagdag ang card ko sa digital wallet ko para sa mga transaksyong magbayad nang contactless."

Puwede mo ring matanggap ang mensaheng ito kung magkakaproblema habang sine-set up ang iyong card. Subukan ulit sa ibang pagkakataon o sumubok ng ibang debit or credit card. Maghanap ng mga sinusuportahang paraan ng pagbabayad batay sa bansa o rehiyon.

“Hindi ma-set up ang card na ito para sa magbayad nang contactless”
Kung matatanggap mo ang mensaheng ito, kasalukuyang hindi sinusuportahan ng iyong bangko ang mga contactless na pagbabayad gamit ang card mo. Maghanap ng mga sinusuportahang paraan ng pagbabayad batay sa bansa o rehiyon. Puwede kang sumubok ng ibang debit or credit card. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong bangko.
“Hindi ma-set up ang teleponong ito para sa i-tap para magbayad”

Posibleng matanggap mo ang mensaheng ito dahil sa isa sa mga dahilang ito:

  • Walang teknolohiya ng NFC ang iyong telepono: Para makagawa ng mga contactless na pagbabayad, kinakailangan ang NFC. Tingnan kung sinusuportahan ng iyong telepono ang NFC.
  • Hindi nakakatugon ang iyong telepono sa mga pamantayan sa seguridad para sa mga contactless na pagbabayad: Tingnan kung:
    • May rooted na device ka
    • Nagpapatakbo ka ng custom na ROM
    • May naka-unlock na bootloader ka
    • Nagpapatakbo ka ng hindi na-certify na software

Kung hindi ma-set up ang iyong card para sa pagbabayad nang contactless, pero naka-save ito sa Google Account mo, magagamit mo pa rin ito para:

  • Bumili ng mga produkto at serbisyo ng Google.
  • Magbayad sa isang app o website kung iniaalok nito ang Google Pay bilang paraan ng pagbabayad o may button na "Bumili gamit ang Gpay" sa pag-checkout.
“Hindi matapos ang pag-set up sa i-tap para magbayad”
Kung matatanggap mo ang mensahe ng error na ito, posibleng na-save ang iyong card sa Google Account mo, pero hindi sa Google Wallet app. Subukang magdagdag ng ibang paraan ng pagbabayad o tapusin ang pag-set up. Maghanap ng mga sinusuportahang paraan ng pagbabayad batay sa bansa o rehiyon. Kung may mga isyu ka pa rin, makipag-ugnayan sa amin.

Kung hindi ma-set up ang iyong card para sa pagbabayad nang contactless, pero naka-save ito sa Google Account mo, magagamit mo pa rin ito para:

  • Bumili ng mga produkto at serbisyo ng Google.
  • Magbayad sa isang app o website kung iniaalok nito ang Google Pay bilang paraan ng pagbabayad o may button na "Bumili gamit ang Gpay" sa pag-checkout.
“Hindi handang magbayad online ang card na ito”
Kung matatanggap mo ang mensaheng ito, hindi magagamit ang iyong card para sa mga pagbili sa web o in-app na pagbili. Kung ikaw ay nasa isang bansa o rehiyong sumusuporta sa mga contactless na pagbabayad, posibleng magamit mo ang card para i-tap para magbayad.
“Nawala ang mga card ko sa Google Pay app o nakatanggap ako ng email na nagsasabing na-delete ang mga card ko”

Posibleng inalis ang iyong mga card sa Google Wallet bilang pag-iingat sa seguridad. Tingnan kung:

  • Na-off mo ang lock ng screen o lumipat ka sa lock ng screen na hindi sinusuportahan ng Google Wallet, tulad ng Smart Unlock o Knock to Unlock.
  • Hindi mo binuksan ang Google Wallet app sa loob ng 90 araw o higit pa.
  • Na-factory reset mo ang iyong telepono.
  • Na-clear mo ang lahat ng data sa Mga Serbisyo ng Google Play o Google Wallet sa mga setting ng iyong telepono.
  • Inalis mo ang iyong Google Account sa telepono mo.
  • Malayuan mong na-wipe o na-lock ang iyong device.
  • Ginagamit mo ang functionality na mga Dual na app sa iyong device.

Kung tama ang alinman sa itaas, sundin ang mga hakbang na ito para idagdag ulit ang anumang inalis na card sa Google Wallet.

Kung walang tama sa itaas, mag-ulat ng problema o magpadala ng feedback tungkol sa app.

Mga Dual na app

Hindi compatible ang Google Wallet sa feature na mga Dual na app. Kung mayroon kang device na may feature na mga Dual na app, i-off ito:

  1. Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
  2. Mag-scroll pababa.
  3. I-tap ang Mga App at pagkatapos ay Mga Dual na app.
  4. Tingnan kung naka-off ang feature na mga Dual na app para sa mga sinusuportahang app.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting Settings.
  6. I-tap ang Mga Dual na app account at pagkatapos ay I-delete ang data ng mga dual na app account.
  7. I-restart ang iyong device.
  8. Buksan ang Google Wallet app.
    • Kung kinakailangan, idagdag ang (mga) card at suriin kung nalutas ang isyu.
“Hindi makumpleto ang iyong transaksyon”

Kung hihilingin sa iyo na magbigay pa ng impormasyon pagkatapos mong matanggap ang mensaheng ito, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Kung hindi ka hihingan pa ng impormasyon:

  • Sumubok ng ibang paraan ng pagbabayad.
  • Tingnan kung tumutugma ang billing address para sa iyong paraan ng pagbabayad, gaya ng credit card, sa address sa mga setting mo ng Google Pay. Kung hindi magkatugma ang mga ito, i-update ang iyong address sa payments.google.com. Pagkatapos ay subukan ulit ang transaksyon.
  • Kung nasa app ka, subukan na lang magbayad sa website ng produkto.
  • Kung nasa website ka, subukan ang app.
  • Kung magbabayad ka gamit ang credit card, makipag-ugnayan sa iyong bangko o institusyon sa pananalapi tungkol sa transaksyong ito.
"Hindi matatapos ang pag-setup para makapagbayad sa mga store. Nagkaproblema habang sine-set up. Puwede mong subukan ulit sa ibang pagkakataon."

Pumapayag ang American Express na idagdag mo ang iyong card sa hanggang 10 device. Kung hindi mo maidagdag ang iyong card, posibleng naabot mo na ang limitasyon. I-delete ang iyong card sa mga lumang device, at pagkatapos ay i-set up ulit ang card. Kung wala naman sa maraming device ang iyong card, makipag-ugnayan sa American Express para sa higit pang tulong.

 

Kailangan pa rin ng tulong?

Kung may mga isyu ka pa rin o anumang tanong, puwede kang magtanong sa komunidad o makipag-ugnayan sa amin.

 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6232949868605272703
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
280
false
false