Mga paraan ng pagbabayad

Maaari kang magdagdag ng mga credit/debit card na mayroong mga sumusunod na logo sa iyong Google Wallet:

  • MasterCard
  • Visa
  • American Express (US lang)
  • Discover (US lang)
  • JCB (Japan at US lang)
  • Visa Electron (Sa labas lang ng US)

Maaaring mag-iba-iba ang mga uri ng mga card na tinatanggap sa pamamagitan ng Google Wallet ayon sa lokasyon. Bukod pa rito, depende sa iyong mobile service provider, maaaring magawa mong direktang idagdag sa bill ng iyong telepono ang mga pagbili ng Google Play app gamit ang direktang pagsingil ng carrier.

Mga hindi tinatanggap na paraan ng pagbabayad

Hindi tumatanggap ang Google Wallet ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng Western Union/Money Gram, at hindi rin ito gumagamit ng anumang escrow na uri ng pagbabayad.

Matuto nang higit pa tungkol sa mga ginayang invoice at scam.

Hindi maaaring gamitin ang mga sumusunod na paraan ng pagbabayad upang bumili sa pamamagitan ng Google Wallet:

  • Mga Health Savings Account (HSA) card
  • Mga transit card
  • Mga tseke
  • Mga money order kasama na ang Western Union at Money Gram
  • Mga escrow na uri ng pagbabayad