Para mag-share ng data sa mga paksang interesado ka, magdagdag ng mga chart na may data ng Trends sa iyong website. Puwede ka ring mag-export ng data ng Trends para makakita ng komprehensibong listahan ng data ng paghahanap.
Paano mag-export ng chart
Para mas masuri pa ang data ng Trends, puwede kang mag-export ng mga chart bilang mga CSV file.
- Buksan ang Google Trends.
- Maghanap ng termino.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng chart, i-click ang I-download
.
- Buksan ang file gamit ang isang application ng spreadsheet gaya ng Google Sheets.
Paano mag-share ng data ng Trends
Mag-share ng link sa mga resulta ng paghahanap
- Buksan ang Google Trends.
- Maghanap ng termino.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng page, i-click ang icon ng Pag-share
.
- Pumili ng lugar kung saan mo ise-share ang iyong link sa Trends.
Mag-share ng chart
- Buksan ang Google Trends.
- Maghanap ng termino.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng page, i-click ang icon ng Pag-share
.
- Pumili ng lugar kung saan mo gustong i-share ang iyong chart.
Mag-embed ng chart
- Buksan ang Google Trends.
- Maghanap ng termino.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng chart, i-click ang icon na I-embed
.
- Kopyahin at i-paste ang HTML code sa nilalaman ng iyong webpage.
- I-click ang Tapos na.
Tandaan: Hindi para sa lahat ng chart available ang feature na i-embed.
Paano gamitin at isipi ang data ng Trends
Puwede kang gumamit ng anumang impormasyon mula sa Google Trends, nang napapailalim sa Mga Tuntunin ng Sebisyo ng Google. Kung gagamit ka ulit ng data ng Trends, i-attribute sa Google ang impormasyon sa pamamagitan ng pagsipi.
Halimbawa: Para gumamit ng screenshot ng data ng Trends, idagdag ang "Data source: Google Trends (https://www.google.com/trends)."
Tandaan: Ang Google Trends ay isang data source na iba sa Google Ads. Huwag isipi nang magkasama ang mga source na ito.