Mag-explore ng mga resulta ayon sa rehiyon

Kapag naghanap ka ng termino sa Google Trends, may makikita kang mapang nagpapakita ng mga lugar kung saan sikat ang termino mo. Ipinapakita ng mga mas madilim na shade kung saan mas mataas ang posibilidad na hanapin ang iyong termino.

Kung maghahambing ka ng mga termino para sa paghahanap, makakakita ka ng mapa ng mundo na may shade ayon sa kasikatan ng termino. Kinakatawan ng intensity ng kulay ang porsyento ng mga paghahanap para sa nangungunang termino para sa paghahanap sa isang partikular na rehiyon. Ang kasikatan ng termino para sa paghahanap ay nauugnay sa kabuuang bilang ng mga paghahanap sa Google na isinagawa sa isang partikular na oras, sa isang partikular na lokasyon.

Makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa isang rehiyon

Mag-hover sa isang rehiyon para makakuha ng higit pang detalye tungkol sa dami ng paghahanap sa isang rehiyon. Sa kanan ng mapa, makakakita ka rin ng listahan ng mga rehiyon o lungsod na naka-rank ayon sa kasikatan ng termino.

Mga Metro

Ang mga metro ay mga heograpikong lugar na karaniwang tumutugma sa mga metropolitan na lugar. Sa kasalukuyan, nagbibigay lang ang Google Trends ng mga metro para sa ilang bansa.

Para tumingin ng metro, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Buksan ang Google Trends.
  2. Maglagay ng termino para sa paghahanap, tulad ng “android.”
  3. Sa seksyong Interes sa rehiyon, i-click ang United States sa mapa.
  4. Mag-click ng isang estado sa mapa.
  5. Mag-click ng isang metro area sa mapa.

Kung hindi naka-highlight ang isang rehiyon sa mapa, hindi ibig sabihin na walang interes doon. Ina-adjust ang data ng Google Trends, kaya posibleng ginagamit ang termino sa rehiyong iyon, pero mas sikat ito sa ibang rehiyon.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
9404685750662352416
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
false
false
false
false