Tungkol sa Garantiya sa presyo sa Google Flights

Ang Garantiya sa presyo ay isang pilot program na available sa mga piling itinerary sa Google Flights. Para sa ilang presyo ng flight, kumpyansa ang mga algorithm ng Google na ang presyong makikita mo ay ang pinakamababang presyo na available bago umalis ang flight. Para sa mga flight na iyon, susubaybayan namin ang presyo hanggang sa umalis ang unang flight sa iyong itinerary. Kung bababa ang presyo, ibibigay namin ang sobra.

Hanggang ngayon, available ang Garantiya sa presyo sa mga piling itinerary sa Mag-book sa Google. Pinalawak namin ang aming programa sa mga piling itinerary na nakikita mo sa Google Flights pero bino-book mo sa website ng isang airline o travel agency.

Para makuha ang pinakamahusay na tulong, piliin ang iyong paraan ng reservation:

Nag-book ng itinerary sa Mag-book sa Google

Kung pumili ka ng itinerary na Garantisado ang presyo na nagbibigay-daan sa iyong mag-book sa "Mag-book sa Google,” na nangangahulugang nanatili ka sa Google para kumpletuhin ang iyong transaksyon sa airline o travel agency, piliin ang opsyong ito.

Magkano ang makukuha ko mula sa isang Garantiya sa presyo?

Binabayaran ka ng Garantiya sa presyo para sa sobra sa pagitan ng presyo ng flight noong nag-book ka at ng pinakamababang presyo ng ticket sa pagitan ng oras na iyon at ng pag-alis. Para makakuha ng payout, mas malaki dapat sa 5 USD ang pagkakaiba sa presyo. Puwede kang makatanggap ng hanggang 500 USD sa kabuuan sa bawat Google account sa lahat ng kwalipikadong itinerary sa isang partikular na taon ng kalendaryo. Puwede kang magkaroon ng hanggang 3 bukas na booking na Garantisado ang presyo sa anumang pagkakataon. Ibig sabihin nito, hindi pa umaalis ang unang flight sa itinerary. Kung kwalipikado, makakatanggap ka ng payout pagkatapos lumipad ng unang flight sa naka-book na itinerary.

Paano ako makakakuha nito?

Mahalaga:

  • Nakatakda dapat sa US ang iyong bansa/rehiyon at nasa USD dapat ang currency mo para makakita ng mga garantisadong flight.
  • Nalalapat lang ang Garantiya sa presyo sa mga one-way at round-trip na flight na manggagaling sa United States.
  • Dapat ay gumagamit ka ng billing address sa US at numero ng telepono sa US sa page na Mag-book sa Google.
  • Naka-sign in ka dapat sa iyong Google Account.

Available lang ang Garantiya sa presyo para sa mga flight na kumpyansa kaming hindi bababa ang presyo. May makulay na badge ng presyo ang mga flight na ito kapag pumipili ka ng iyong paalis at pabalik na flight. Maaapektuhan ka lang ng Garantiya sa presyo kung bababa ang presyo ng iyong flight pagkatapos mong mag-book at bago umalis ang unang flight sa iyong itinerary.

  1. Sa ilalim ng “Mga paalis na flight,” pumili ng flight na may badge.
  2. Piliin ang itinerary na may badge at mag-check out.
    • Para ma-apply ang Garantiya sa presyo, dapat may badge ng Garantiya sa presyo ang lahat ng flight sa iyong itinerary.
  3. I-click ang link na “Mag-book sa Google.”
  4. Sa Page na Mag-book sa Google, lagyan ng check ang box sa tabi ng “Garantiya sa Presyo” para tanggapin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.

Makakatanggap ka ng email ng kumpirmasyon kapag garantisado ang flight.

Gaano katagal ang mga ito?

Nagkakabisa ang Garantiya sa presyo pagkatapos mong mag-book sa Google. Gayunpaman, kung ia-update ng airline ang mga presyo nang mas mabilis kaysa sa pag-load ng mga ito sa Google Flights, posibleng hindi na namin maibigay ang garantiya. Posible kang makakita ng garantiya sa presyo, pero kung mag-a-update ang presyo bago ka mag-book, posibleng hindi na available ang garantiya kapag nag-book ka.

Kailangan ko ba itong bayaran?

Hindi. Libre lang ang Garantiya sa presyo.

Ano ang mangyayari pagkatapos kong mag-book?

Pagkatapos mong mag-book, susubaybayan namin ang presyo hanggang sa umalis ang unang flight sa iyong itinerary. Pagkatapos ay papadalhan ka namin ng email para ipaalam sa iyo kung bumaba ang presyo o hindi. Posible ka ring makatanggap ng update sa email pagkatapos mag-book at bago umalis. Kung bumaba ang presyo, ibabalik namin sa iyo ang sobra sa Google Pay. Kung hindi bumaba ang presyo, makakatiyak kang nakuha mo ang pinakamurang presyo gamit ang Google Flights.

Paano ko makukuha ang sobra?

Mahalaga:

  • Dapat mas matanda ka na sa 18 taong gulang.
  • Dapat mayroon kang Google Pay account o gumawa ka nito para ma-claim ang iyong payout. Dapat naka-sign in ka sa Google Account na ginamit mo para i-book ang iyong flight sa Mag-book sa Google.
  • Kapag naging user ka ng Google Pay, napapailalim ka sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Pay.

Kung bababa ang presyo, ipapaalam namin ito sa iyo pagkatapos ng takeoff at ibabalik namin sa iyo ang sobra sa Google Pay. Karaniwang umaabot nang hanggang 48 oras bago maideposito ang pera sa iyong account.

Kung wala kang Google Pay account, dapat kang gumawa nito para maibayad namin sa iyo ang sobra:

Puwede mong ilipat ang pera sa iyong bank account kapag nasa balanse sa Google Pay o Pera sa Google Pay mo na ito:

  1. Pumunta sa wallet.google.com.
  2. I-click ang Mga paraan ng pagbabayad at pagkatapos ay Pera sa Google Pay o balanse sa Google Pay.
  3. I-click ang Maglipat.
  4. I-click ang Maglipat.

Hangga't hindi mo pa nave-verify ang iyong pagkakakilanlan, makakapaglipat ka ng hanggang 200 USD sa kabuuan sa bawat linggo sa website ng Google Pay. Para maglipat ng higit pa, dapat mong i-download ang Google Pay app at i-verify ang iyong pagkakakilanlan. Matuto pa tungkol sa mga limitasyon ng Google Pay.

Kung makaka-experience ka ng mga isyu kapag na-download mo ang Google Pay app, pumunta sa help center ng Google Pay.

Ano ang mangyayari kung kakanselahin ko ang aking biyahe?

Kung babaguhin mo ang iyong biyahe o may kakanselahin kang anumang bahagi nito, hindi maibabalik sa iyo ang sobra.

Saan ko makikita ang lahat ng detalye?

Makikita mo ang mga detalye ng programa sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo. Kung may Garantiya sa presyo ang iyong flight, malalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Garantiya sa presyo.

Kung mayroon kang mga isyu o tanong, makipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyong flight.

Mga madalas itanong

Mayroon ba akong dapat gawin pagkatapos kong mag-book?

Wala. Awtomatiko naming susubaybayan ang presyo pagkatapos mong mag-book, hanggang sa umalis ang iyong unang flight, at ipapaalam namin sa iyo kung bababa ang presyo pagkaalis mo.

Kung bababa ang presyo, kailan ibabayad sa akin ang sobra?

Karaniwan mong matatanggap ang sobra sa iyong Google Pay account sa loob ng 48 oras pagkatapos ng takeoff ng una mong flight.

Puwede ko bang kanselahin ang aking garantiya?

Puwede kang mag-opt out sa garantiya sa presyo bago mo i-book ang iyong flight. Para kanselahin ang garantiya pagkatapos mong mag-book, makipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyong flight.

Ano ang mangyayari kung makakansela o ililipat ng iskedyul ang aking flight?

Kung makakansela o ililipat ng iskedyul ang iyong flight, hindi mo makukuha ang sobra.

Ano ang mangyayari kung bababa ang presyo at saka tataas ulit?

Makukuha mo pa rin ang sobra sa pagitan ng presyo kapag nag-book ka at ng pinakamababang presyo na available bago ang takeoff.

Nag-book sa website ng airline o travel agency

Kung pumili ka ng itinerary na Garantisado ang presyo sa Google Flights pero nag-book ka gamit ang isang airline o online travel agency sa kanilang website, piliin ang opsyong ito.

Magkano ang makukuha ko mula sa isang garantiya sa presyo?

Kapag pumili ka ng opsyon sa pag-book na garantisado ang presyo sa Google Flights, babayaran ka ng Garantiya sa presyo para sa sobra sa pagitan ng presyo ng flight sa panahong iyon at ng pinakamurang presyo ng ticket para sa eksaktong itinerary na iyon gaya ng makikita sa Google Flights sa pagitan ng panahong iyon at ng pag-alis. Para makakuha ng payout, mas malaki dapat sa 5 USD ang pagkakaiba sa presyo. Puwede kang makatanggap ng hanggang 500 USD sa kabuuan sa bawat Google account sa lahat ng kwalipikadong itinerary sa isang partikular na taon ng kalendaryo. Puwede kang magkaroon ng hanggang 3 nakumpirmang booking na Garantisado ang presyo sa anumang pagkakataon. Kung kwalipikado ka, maibabalik ang pera mo pagkatapos lumipad ng unang flight sa naka-book na itinerary.

Paano ako makakakuha nito?

Mahalaga:

  • Para makapaghanap ng mga garantisadong flight, dapat nakatakda sa US ang iyong bansa/rehiyon at dapat nasa USD ang currency mo.
  • Nalalapat lang ang Garantiya sa presyo sa mga one-way at round-trip na flight na manggagaling sa United States.
  • Naka-sign in ka dapat sa iyong Google Account.

Available lang ang Garantiya sa presyo para sa mga flight na kumpyansa kaming hindi bababa ang presyo. May makulay na badge ng presyo ang mga flight na ito kapag pumipili ka ng iyong paalis at pabalik na flight. Maaapektuhan ka lang ng Garantiya sa presyo kung bababa ang presyo ng iyong flight pagkatapos mong pumili ng garantisadong opsyon sa pag-book sa Google Flights at bago umalis ang unang flight sa iyong itinerary.

  1. Sa ilalim ng “Mga paalis na flight,” pumili ng flight na may badge.
    • Para ma-apply ang Garantiya sa presyo, dapat may badge ng Garantiya sa Presyo ang lahat ng flight sa iyong itinerary.
  2. Sa ilalim ng “Mga opsyon sa pag-book,” para pumili ng opsyon sa pag-book na garantisado ang presyo, i-click ang Magpatuloy.
    • May badge ng Garantiya sa Presyo ang mga opsyon sa pag-book na Garantisado ang presyo.
    • Ginagarantiya naming hindi na bababa pa ang presyong makikita mo sa tabi ng badge ng Garantiya sa presyo bago ang pag-alis.
  3. Sa website ng airline o travel agency, i-book ang eksaktong garantisadong itinerary sa Google Flights. Para ma-apply ang Garantiya sa presyo, tugma dapat ang lahat ng bahagi ng naka-book na itinerary, kabilang ang airline, numero ng flight, mga petsa, bilang ng mga pasahero, pamasahe at cabin class, at patakaran sa pagkansela.
  4. Pagkatapos mong piliin ang opsyon sa pag-book na garantisado ang presyo sa Google Flights, babantayan ng Google ang presyo araw-araw hanggang sa takeoff.
    • Makakatanggap ka ng email pagkatapos ng takeoff para ipaalam sa iyo kung bumaba ang presyo o hindi.
  5. Kung bumaba ang presyo, hihilingin sa iyong kumpirmahing ikaw ang nag-book ng flight para maibayad sa iyo ang sobra sa Google Pay:
    • Sa iyong email, i-click ang Oo, ako ang nag-book sa flight na ito at sundin ang mga tagubilin:
      • Ilagay ang iyong numero ng kumpirmasyon at apelyido at lagyan ng check ang box para tanggapin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.
      • I-click ang Kumpirmahin.
  • Bilang alternatibo, pumunta sa page ng Garantiya sa presyo:
    • Hanapin ang iyong garantisadong itinerary.
    • I-click ang Oo, ako ang nag-book nito.
    • Ilagay ang iyong numero ng kumpirmasyon at apelyido, at pagkatapos ay lagyan ng check ang box para tanggapin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.
    • I-click ang Kumpirmahin.

Sa page na Garantiya sa presyo, makikita mo ang iyong mga garantisadong flight. Sa ilalim ng “Mga Setting ng Pagbiyahe,” puwede mong i-update ang iyong mga kagustuhan sa email.

Gaano katagal ang mga ito?

Pagkatapos mong pumili ng opsyon sa pag-book na garantisado ang presyo sa Google Flights, magkakabisa na ang Garantiya sa presyo.

Kailangan ko ba itong bayaran?

Hindi. Libre lang ang Garantiya sa presyo.

Ano ang mangyayari pagkatapos kong pumili ng garantisadong opsyon sa pag-book?

Pagkatapos mong pumili ng garantisadong opsyon sa pag-book, susubaybayan namin ang presyo hanggang sa umalis ang unang flight sa iyong itinerary. Pagkatapos ay makakatanggap ka ng email para ipaalam sa iyo kung bumaba ang presyo o hindi. Makakatanggap ka rin ng update sa email sa pagitan ng pagpili ng garantisadong opsyon sa pag-book at ng pag-alis. Kung bumaba ang presyo, dapat mong kumpirmahing ikaw ang nag-book ng flight nang hindi lalampas sa 30 araw pagkatapos ng pag-alis ng unang flight sa iyong itinerary para maibayad namin sa iyo ang sobra sa Google Pay. Kung hindi bumaba ang presyo, makakatiyak kang nakuha mo ang pinakamurang presyo gamit ang Google Flights.

Saan ko makikita ang aking mga kwalipikadong flight na may Garantiya sa presyo?

Kung pumili ka ng opsyon sa pag-book na garantisado ang presyo, puwede mong pamahalaan ang iyong flight sa page ng Garantiya sa presyo.

Paano ko makukumpirma ang isang Garantiya sa presyo?

Kung bababa ang presyo para sa isang flight na kwalipikado sa garantiya na pinili mo, makakatanggap ka ng email mula sa Google Flights. Para kumpirmahin ang garantiya, sa iyong email, i-click ang Oo, ako ang nag-book sa flight na ito at sundin ang mga tagubilin:

  • Ilagay ang iyong numero ng kumpirmasyon at apelyido at lagyan ng check ang box para tanggapin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.
    • Ang numero ng kumpirmasyon ay ang alphanumeric code sa email ng kumpirmasyon ng booking na natanggap mo pagkatapos bilhin ang iyong flight sa website ng airline o travel agency (halimbawa: SFTORB).
  • I-click ang Kumpirmahin.

Bilang alternatibo, para mapamahalaan ang iyong garantiya, pumunta sa page ng Garantiya sa presyo: Para kumpirmahin ang garantiya, i-click ang Oo, ako ang nag-book nito at sundin ang mga tagubilin.

Puwede kang magkaroon ng hanggang 3 nakumpirmang garantisadong booking sa anumang pagkakataon.

Paano ko makukuha ang sobra?

Mahalaga:

  • Dapat mas matanda ka na sa 18 taong gulang.
  • Dapat mayroon kang Google Pay account o gumawa ka nito para ma-claim ang iyong payout. Dapat naka-sign in ka sa Google account na ginamit mo para hanapin ang iyong flight sa Google Flights.
  • Kapag naging user ka ng Google Pay, napapailalim ka sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Pay.

Kung bababa ang presyo, ipapaalam namin ito sa iyo pagkatapos ng takeoff at ibabayad namin sa iyo ang sobra sa Google Pay. Kung hindi mo pa nakukumpirmang ikaw ang nag-book ng flight, hihilingin namin sa iyong gawin ito. Kapag nagkumpirma ka na, ibabayad namin sa iyo ang sobra sa Google Pay. Karaniwang umaabot nang hanggang 48 oras bago maideposito ang pera sa iyong account.

Kung wala kang Google Pay account, dapat kang gumawa nito para maibayad namin sa iyo ang sobra:

  • Kung bababa ang presyo at nakumpirma mo na ang iyong booking bago umalis ang iyong unang flight:
  • Kung bumaba ang presyo at hindi mo pa nakukumpirma ang iyong booking bago umalis ang una mong flight:
    • Kumpirmahing ikaw ang nag-book ng flight nang hindi lalampas sa 30 araw pagkatapos ng pag-alis ng unang flight sa iyong itinerary.
    • Kapag nagkumpirma ka na, para i-claim ang sobra:

Puwede mong ilipat ang pera sa iyong bank account kapag nasa balanse sa Google Pay o Pera sa Google Pay mo na ito:

  1. Pumunta sa wallet.google.com.
  2. I-click ang Mga paraan ng pagbabayad at pagkatapos ay Pera sa Google Pay o balanse sa Google Pay.
  3. I-click ang Maglipat.
  4. Ilagay ang halagang gusto mong ilipat.
  5. Piliin ang bank account kung saan mo gustong maglipat ng pera.
  6. I-click ang Maglipat.

Hangga't hindi mo pa nave-verify ang iyong pagkakakilanlan, makakapaglipat ka ng hanggang 200 USD sa kabuuan sa bawat linggo sa website ng Google Pay. Para maglipat ng higit pa, dapat mong i-download ang Google Pay app at i-verify ang iyong pagkakakilanlan. Matuto pa tungkol sa mga limitasyon ng Google Pay.

Kung magkakaroon ka ng mga isyu kapag na-download mo ang Google Pay app, pumunta sa help center ng Google Pay.

Paano ko pahihintuin ang mga notification sa email sa Garantiya sa presyo?

Pamahalaan ang iyong mga garantiya sa page ng Garantiya sa presyo. Kapag na-click mo ang Hindi ako ang nag-book, hindi na kami magpapadala ng anupamang notification sa email para sa partikular na itinerary na iyon.

Puwede mo ring i-off ang mga notification sa email sa Mga setting ng pagbiyahe. Gayunpaman, kung kukumpirmahin mo ang isang garantisadong itinerary, kahit na mag-opt out ka sa mga notification sa email, makakatanggap ka ng panghuling email para ipaalam sa iyo kung bumaba ang presyo o hindi.

Puwede mo ring i-off ang feature ng Google na Garantiya sa Presyo sa Mga setting ng pagbiyahe. Kapag na-off mo ang feature na ito, aalisin mo ang lahat ng iyong kasalukuyang flight na may Garantiya sa presyo at hindi kami magpapakita ng mga badge ng Garantisado ang presyo sa Google Flights. Hindi ka mababayaran para sa anumang nakabinbing garantiya, kahit na nakumpirma mo na ang mga ito.

Ano ang mangyayari kung kakanselahin ko ang aking biyahe?

Kung babaguhin mo ang iyong biyahe o may kakanselahin kang anumang bahagi nito, hindi maibabalik sa iyo ang sobra.

Saan ko makikita ang lahat ng detalye ng programa?

Makikita mo ang mga detalye ng programa sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Garantiya ng Google sa Presyo. Nalalapat ang mga tuntuning ito sa anumang flight na may Garantiya sa presyo.

Kung mayroon kang mga isyu o tanong, makipag-ugnayan sa amin tungkol sa iyong flight.

Mga madalas itanong

Ano ang mangyayari kung makakansela o ililipat ng iskedyul ang aking flight?

Kung makakansela o ililipat ng iskedyul ang iyong flight, hindi mo makukuha ang sobra.

Ano ang mangyayari kung bababa ang presyo at saka tataas ulit?

Makukuha mo pa rin ang sobra sa pagitan ng presyo noong pinili mo ang garantisadong opsyon sa pag-book sa Google Flights at ng pinakamababang presyo na available bago ang takeoff.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1773116817517837962
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
254
false
false