Paano tinatantya ang mga emission

Nagpapakita ang Google Flights ng mga pagtatantya sa lifecycle greenhouse emission para sa bilang ng mga napiling pasahero sa tabi ng bawat flight. Naka-label ang mga flight bilang mas mataas, karaniwan, mas mababa, o hindi alam na emission.

Saan nakukuha ng Google ang impormasyong ito?

Kinakalkula ng Google ang mga pagtatantya sa emission gamit ang pinakabagong bersyon ng Travel Impact Model (TIM), isang modelong pinapangasiwaan ng Google at binabantayan ng isang Komite sa Pagpapayo na binubuo ng mga nangungunang eksperto sa sustainability at aviation. Ang TIM ay isang transparent at tuloy-tuloy na pinapahusay na modelo sa pagtatantya ng mga emission na itinatag mula sa mga pampubliko at nalilisensyahang external na dataset at nakabatay sa mga pinakabagong pamantayan sa agham at kinikilala sa buong mundo.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang:

Mga emission sa lifecycle

Ang Travel Impact Model ang nagpapakita sa buong lifecycle ng mga emission ng jet fuel sa pamamagitan ng pagtatantya sa mga well-to-wake emission. Ang mga well-to-wake emission ay tumutukoy sa kabuuan ng mga emission na nailalabas sa pamamagitan ng paggawa at pagbiyahe ng jet fuel, pati na ang mga carbon emission (CO2) mula sa pagsunog ng fuel sa panahon ng pag-take off, pag-cruise, at paglapag.

Bukod pa sa CO2, kino-convert ng TIM ang mga non-CO2 emission sa "katumbas na CO2" (CO2e) ng mga ito batay sa potensyal sa pag-init ng daigdig ng mga ito.

Mga karaniwang emission

Ang mga karaniwang emission ang median na mga emission para sa hinanap mong ruta. Kinakalkula ang median bilang gitnang value sa lahat ng posibleng emission bawat ruta, at isinasaalang-alang ang lahat ng flight hanggang sa susunod na taon.

Inihahambing sa median ng ruta ang mga pagtatantya sa emission para sa bawat flight. Ito ang paraan kung paano tinutukoy ng Google ang mga flight na may mga mas mataas, karaniwan, o mas mababang emission.

Para sa ilang paghahanap, posibleng wala kang mahanap na flight na "mas mababa ang mga emission." Nangyayari ito kapag hindi mas mababa sa median ng ruta ang polusyon ng mga flight sa mga hinanap mong petsa. Para maghanap ng mga lower emission flight, sumubok ng magkakaibang petsa.

Hindi alam na mga emission

Para sa ilang flight, wala kaming data ng mga emission na available, at hindi rin kami makakagawa ng malapit na pagtatantya. Posible itong mangyari para sa isang napakapartikular na uri ng aircraft. Sa ganitong mga sitwasyon, hindi kami magpapakita ng anumang pagtatantya sa emission, at lalagyan ang flight ng label na "mga hindi alam na emission."

Mga salik na nakakaapekto sa mga emission

Posibleng mag-iba-iba ang mga aktwal na emission at nakadepende ang mga ito sa mga salik na tulad ng:

  • Modelo at configuration ng aircraft
  • Bilis at taas ng aircraft
  • Distansya sa pagitan ng pinagmulan at destinasyon
  • Ang bilang ng mga pasahero

Para maunawaan ang mga pagtatantya sa emission na ipinapakita namin, mahalagang malaman na:

  • Hindi palaging mas mababa ang polusyon ng mga non-stop na flight, lalo na para sa mahahabang ruta. Posibleng magbuga ng mas kaunti kaysa sa non-stop na opsyon ang isang multi-stop na flight sa aircraft na tipid sa gasolina.
  • Posibleng magkaroon ng sobrang naiibang emission ang aircraft na may parehong kapasidad at layo. Kabilang sa mga nakakaapektong salik ang uri ng aircraft, o ang seating layout na ginagamit ng airline.
  • Para sa mga flight papunta sa, mula sa, at sa loob ng US, tinatantya ng modelo ang mga load factor ng pasahero gamit ang dating data mula sa US Department of Transportation. Kapag available, gumagamit kami ng dating data ng load factor na ibinigay ng ch-aviation para sa mga flight sa labas ng US. Para sa lahat ng iba pang flight, isinasaalang-alang ng mga pagtatantya sa emission ang average na load factor ayon sa industriya ng taong 2019 (bago ang pandemya ng Coronavirus (COVID-19)). Makikita sa aming dokumentasyon sa GitHub ang higit pang detalye tungkol sa mga data source na ginagamit namin at kung paano kinakalkula ang mga load factor.
  • Hindi pa isinasaalang-alang ng aming mga pagtatantya sa emission ang mga salik tulad ng direksyon ng flight, paggamit ng sustainable na aviation fuel, o ang timbang ng cargo ng eroplano.

Iba pang warming effect ng pagsakay sa eroplano

Bukod pa sa pag-release ng CO2 sa atmosphere, nakakapagdulot din ang pagsakay ng eroplano ng iba pang warming effect gaya ng mga contrail.

Sa mga rehiyon kung saan mataas ang humidity, nagko-condense ang water vapor sa hangin sa palibot ng mga particle ng alikabok mula sa exhaust ng aircraft at nagfi-freeze ito. Bumubuo ito ng mga trail ng condensation na parang ulap, o mga contrail kapag pinaikli. Mabilis na nawawala ang karamihan sa mga contrail, pero para sa ilang flight, nagtutugma ang mga kundisyon sa atmosphere at nakakagawa ng mga contrail na kumakalat at hindi kaagad nawawala, kaya nata-trap ang init sa atmosphere.

Kapag isinaalang-alang ang mga contrail, ang warming effect ng pagsakay ng eroplano ay posibleng umabot ng hanggang 60% mas mataas kaysa sa mga pagtatantya batay lang sa pagkasunog ng fuel [Lee, 2021. CO2e/GWP100]. Bagama't alam natin na humigit-kumulang 10% lang ng mga flight ang nagdudulot ng karamihan sa mga contrail na hindi kaagad nawawala, mahirap i-predict ang pagkabuo ng mga ito at mahirap iugnay ang epekto sa mga indibidwal na flight — gaya ng pag-predict ng turbulence nang ilang linggo o buwan bago ito mangyari. Bukod pa rito, walang napagkasunduan ang mga scientist tungkol sa kung paano sukatin ang epekto para sa mga indibidwal na flight. Dahil dito, hindi ito kasalukuyang kasama sa modelong ginagamit para tantyahin ang mga emission.

Nakikipagtulungan ang Google sa mga scientist, akademiko, at eksperto sa industriya para makagawa ng mga maaasahang prediction tungkol sa epekto ng contrail sa bawat flight. Plano naming isama ang mga prediction na ito sa TIM kalaunan.

Mga pagtatantya sa emission ng tren

Para kalkulahin ang mga emission para sa mga tren, gumagamit ang Google ng paraan na isinasaalang-alang sa iyong paghahanap ang mga kilometrong nilakbay at bilang ng mga pasahero. Karaniwang nagbubuga ang mga tren ng 19 gramo ng CO2e lifecycle emission kada passenger kilometer, ayon sa IEA. Nakadepende sa tren at operator ang eksaktong mga emission. Ina-update taon-taon ang data ng IEA at nagsisikap ang Google na kumuha ng tumpak na impormasyon mula sa mga operator ng tren.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11574700175704468638
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
254
false
false