I-download at gamitin ang Google Translate

Puwede kang magsalin ng text, sulat-kamay, mga larawan, at speech sa mahigit 100 wika gamit ang Google Translate app. Puwede mo ring gamitin ang Translate sa web.

Para magsimula, i-download ang Google Translate app.

Para makapagsalin ng mga larawan gamit ang iyong camera sa lahat ng sinusuportahang wika, kailangang matugunan ng device mo ang mga kinakailangang ito:

  • iPhone 4S at mas bago
  • iOS bersyon 11 at mas bago

Tip: Puwede mong gamitin ang Dark mode sa iyong Translate app pero hindi mo puwedeng isaayos ang Dark mode nang direkta mula sa app.

Gamitin ang Google Translate sa web

Para gamitin ang Google Translate sa web, pumunta sa Google Translate.