Puwede kang magsalin ng text, sulat-kamay, mga larawan, at speech sa mahigit 200 wika gamit ang Google Translate app. Puwede mo ring gamitin ang Translate sa web.
Hakbang 1: I-download ang Google Translate app
Para magsimula, i-download ang Google Translate app para sa Android.
Tandaan: Para magsalin ng mga larawan gamit ang camera mo sa lahat ng mga suportadong wika, kinakailangang may auto-focus camera at isang dual-core CPU na may ARMv7 ang device mo. Para sa mga teknikal na detalye, suriin ang mga tagubilin ng manufacturer mo.
Hakbang 2: I-set up ang Google Translate
Tip: Sa bersyon 6.10 at mas bago, puwede kang gumamit ng Madilim na tema sa Translate app.
Sa unang beses na bubuksan mo ang Google Translate, hihilingin sa iyong piliin mo ang iyong pangunahing wika at ang wikang pinakamadalas mong isinasalin. Para pumili mula sa mga available na wika, i-tap ang Pababang arrow .
Para i-download ang parehong wika para sa offline na paggamit, iwanang may check ang "Isalin offline." Kung hindi available para i-download ang alinman sa wika, sasabihin nitong "Hindi available offline."
Tandaan: Para mag-download ng wika, bilang default, dapat ay nakakonekta ka sa isang Wi-Fi network.
Gamitin ang Google Translate sa web
Para gamitin ang Google Translate sa web, pumunta sa Google Translate.