Magsalin ng text sa iba pang app

Makakapagsalin ka ng text sa iba pang app gamit ang Google Translate app.

Gamit ang I-tap para Isalin, puwede kang kumopya ng text mula sa isang app at isalin ito sa ibang wika. Ang text na kinopya mo ay ipapadala lang sa Google para isalin pagkatapos mong i-tap ang Google Translate Translate app.

Mahalaga: Gumagana ang I-tap para Isalin sa text, hindi sa mga larawan.

I-on o i-off ang I-tap para Isalin

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app Translate app.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos Mga Setting Settings.
  3. I-tap ang I-tap para Isalin at pagkatapos I-enable.
    • Para sa Android 10 at mas bago: I-tap ang I-paste .
    • Para sa Pixel 6 at mas bago: Para makakuha ng mga mabilis na pagsasalin, puwede mong i-on ang Ipakita ang naka-float na icon.

Tip: Sa unang beses ng paggamit mo ng I-tap para Isalin, posibleng makakuha ka ng pop-up na nagtatanong kung gusto mo itong "Ipakita sa ibabaw ng iba pang app.” Para magpatuloy, i-tap ang Payagan.

Gamitin ang I-tap para Isalin

Gamit ang I-tap para Isalin, puwede kang magsalin ng text mula sa mga app at hindi mo na kailangang buksan ang Google Translate app.

  1. Magbukas ng app na may text na puwede mong kopyahin.
  2. I-highlight ang text na gusto mong isalin at pagkatapos Kopyahin.
  3. Sa iyong kasalukuyang screen, i-tap ang Google Translate Translate app.
  4. Piliin ang wikang gusto mo.

Tip: Para i-dismiss ang bubble na I-tap para Isalin, puwede mo itong i-hold at i-drag papunta sa ibaba ng screen. Baka kailanganin mong i-update ang iyong app sa pinakabagong bersyon.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu