Hanapin at pamahalaan ang history sa Translate

Puwede mong i-save ang iyong history sa Google Translate para hanapin ang mga kahulugan ng mga salita o pariralang isinasalin mo. Nagsi-sync ang iyong mga naka-save na pagsasalin sa lahat ng iyong device.

Sini-sync ng Translate app ang iyong history sa cloud mula sa device mo. Kapag naka-sign in ka, awtomatikong mase-save sa cloud ang iyong mga pagsasalin. Puwede mong pamahalaan ang iyong naka-save sa history sa Aking Aktibidad.

Mahalaga: Kung ayaw mong gamitin ang history sa cloud sa app, dapat kang mag-sign out sa iyong account. Pagkatapos mong mag-sign out, matitingnan mo lang ang history sa device.

Mag-save ng salita o parirala

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa Google Translate.
  2. Magsalin ng salita o parirala.
  3. Sa kanan, i-click ang Lagyan ng star ang pagsasalin Lagyan ng star ang pagsasalin.

Maghanap at mag-export ng mga na-save na pagsasalin

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa Google Translate.
  2. Sa ibaba ng mga text box, i-click ang Na-save Na-save.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang I-export sa Google Sheets Export to Google Sheets.

I-save ang iyong history ng pagsasalin

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa Google Translate.
  2. I-click ang History History.
  3. Mula sa panel sa kanang bahagi, piliin ang mga entry na gusto mong i-save.
  4. I-click ang Lagyan ng star ang pagsasalin Lagyan ng star ang pagsasalin.
Tip: Para tingnan ang iyong mga na-save na pagsasalin, i-click ang Na-save Na-save.

Hanapin at i-delete ang iyong history ng pagsasalin

Puwede kang maghanap at mag-alis ng history ng pagsasalin gamit ang Google Translate app o sa iyong web browser.

Maghanap ng mga nakaraang pagsasalin

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Translate.
  2. Sa ibaba, i-click ang History History.

I-delete ang iyong history

Para i-delete ang lahat ng history

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Translate.
  2. Sa ibaba, i-click ang History History.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang I-clear ang history.

Para mag-delete ng mga partikular na entry ng history

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Translate.
  2. Sa ibaba, i-click ang History History.
  3. Sa tabi ng entry ng history, i-click ang Menu Higit Pa.
  4. I-click ang Alisin sa history.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5854217003096752573
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73122
false
false