Puwede mong i-save ang iyong history sa Google Translate para hanapin ang mga kahulugan ng mga salita o pariralang isinasalin mo. Nagsi-sync ang iyong mga naka-save na pagsasalin sa lahat ng iyong device.
Sini-sync ng Translate app ang iyong history sa cloud mula sa device mo. Kapag naka-sign in ka, awtomatikong mase-save sa cloud ang iyong mga pagsasalin. Puwede mong pamahalaan ang iyong naka-save sa history sa Aking Aktibidad.Mahalaga: Kung ayaw mong gamitin ang history sa cloud sa app, dapat kang mag-sign out sa iyong account. Pagkatapos mong mag-sign out, matitingnan mo lang ang history sa device.
Hanapin at kontrolin ang iyong history ng pagsasalin sa web at app
- Buksan ang Translate app at mag-sign in sa iyong account.
- Kung may naka-store na history sa iyong device, makakatanggap ka ng notification.
- Para hanapin o i-delete ang iyong mga entry ng history bago ka ma-prompt na i-sync ang mga ito gamit ang account mo sa cloud o i-delete ang mga ito, i-tap ang Pamahalaan ang history.
Tingnan ang iyong history
- Buksan ang Translate app .
- Sa Home screen, mag-swipe pababa o, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Account History .
- Kung gusto mong i-upload at i-sync ang iyong history ng pagsasalin, sa menu, i-tap ang I-refresh .
I-sync ang iyong history sa cloud
Mahalaga:
- Para magamit ang naka-sync na history, dapat naka-sign in ka at na-on mo ang Aktibidad sa Web at App.
- Kung naka-off ang Aktibidad sa Web at App, makikita at made-delete mo ang iyong history pero hindi ka makakagawa ng mga bagong entry.
- Hindi awtomatikong lumalabas ang mga entry ng history sa cloud. Posibleng tumagal nang ilang oras bago lumabas ang mga bagong na-sync na entry.
- Buksan ang Translate app .
- Sa Home screen, mag-swipe pababa. O, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Account History .
- Para i-sync ang iyong history gamit ang cloud at mag-upload ng anumang bagong entry, i-tap ang Menu I-refresh .
- Awtomatikong magsi-sync ang history kapag nagsimula ang app. Pagkatapos nito, pana-panahon itong magsi-sync bawat ilang oras.
Kung hindi gumagana ang pag-sync sa cloud:
- Tiyaking online ang iyong device.
- Tiyaking hindi ka naka-airplane mode.
I-access ang iyong buong history
Sa Translate app, makikita mo ang iyong buong history at makakagawa ka ng mga naka-customize na paghahanap.
Sa Mga Setting
- Buksan ang Translate app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Account .
- I-tap ang Mga Setting .
- Sa ibaba, i-tap ang Pamahalaan ang aktibidad.
- Mag-scroll pababa para makita ang lahat ng iyong na-save na content at mga partikular na salita o parirala.
- Para hanapin ang iyong history, gamitin ang search bar.
Sa History
- Buksan ang Translate app .
- Sa Home screen, mag-swipe pababa.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Pamahalaan ang aktibidad .
- Mag-scroll pababa para makita ang lahat ng iyong na-save na content at mga partikular na salita o parirala.
- Para hanapin ang iyong history, gamitin ang search bar.
I-on ang Aktibidad sa Web at App
Para i-save ang iyong data sa Translate app, dapat mong i-on ang Aktibidad sa Web at App. Kung io-off mo ang Aktibidad sa Web at App, makikita at made-delete mo ang iyong history pero hindi ka makakagawa ng mga bagong entry.
- Buksan ang Translate app .
- Sa Home screen, mag-swipe pababa. O, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Account History .
- Kung naka-off ang iyong Aktibidad sa Web at App, makakatanggap ka ng notification.
- Sa notification, i-tap ang Pamahalaan ang mga setting.
- Sa ilalim ng Aktibidad sa Web at App, i-tap ang I-on.
I-delete ang history
Mahalaga: Puwedeng tumagal nang ilang oras bago maipakita sa app ang iyong na-clear na history.
- Buksan ang Translate app .
- Sa Home menu, mag-swipe pababa. O, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Account History .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Pamahalaan ang aktibidad I-delete I-delete ngayon, I-delete ang custom na hanay, I-delete ang lahat ng panahon, o Awtomatikong i-delete.
I-delete ang lahat ng history
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app .
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Mga Setting .
- I-tap ang Pamahalaan ang aktibidad I-delete I-delete ang lahat ng panahon.
I-delete ang isang nakaraang pagsasalin
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app .
- Sa Home screen, mag-swipe pababa. O, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu History .
- Sa isang salita o parirala, mag-swipe pakaliwa.