Magsalin ng mga nakasulat na salita
Maaari kang magsalin ng mga salita o parirala gamit ang Google Translate app o browser, tulad ng Chrome o Safari.
Tandaan: Para magsalin sa Chrome sa iyong mobile device, kailangan mo ng Javascript. Alamin kung paano i-on ang Javascript.
Magsalin ng text
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app
.
- Pumili ng wikang isasalin:
- Mula sa: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Pababang arrow
.
- Isalin sa: Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Pababang arrow
.
- Mula sa: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Pababang arrow
- I-type ang salita o pariralang gusto mong isalin.
Tip: Para maibigay ang tamang konteksto sa iyong pagsasalin, isulat ang salita o parirala mo sa kumpletong pangungusap. - Makikita mo ang mga resulta. Kung walang makita, i-tap ang Isalin
.
Mga Tip:
- Para makita ang iyong mga resulta sa full screen mode, itagilid ang device mo.
- Makakapagsalin ka rin sa browser ng iyong telepono, tulad ng Chrome. Alamin kung paano.
Pakinggan ang iyong pagsasalin
Para marinig ang iyong pagsasalin, i-tap ang Pakinggan .
Para baguhin ang iyong mga setting ng boses sa pagsasalin:
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app
.
- I-tap ang Menu
Mga Setting.
- Pumili ng opsyon. Halimbawa:
- Para baguhin ang accent, i-tap ang Rehiyon. Pagkatapos ay pumili ng rehiyon.
- Para baguhin ang bilis, i-tap ang Bilis. Pagkatapos ay piliin kung Normal, Mabagal, o Mas Mabagal.