Gamitin ang Instant Translation nang may headphones o wala
Puwede mo nang gamitin ang Instant Translation nang may headphones o wala sa iyong telepono o tablet. Available lang ang Instant translation nang may headphones sa mga user sa Bangladesh, France, Germany, India, Italy, Japan, Mexico, Nigeria, Spain, Thailand, United Kingdom, at United States. Tiyaking nasa pinakabagong bersyon ng app ang iyong device.
Listahan ng mga sinusuportahang wika:
|
|
|
Para makinig ng audio mula sa wikang hindi mo nauunawaan, ikonekta ang iyong headphones sa mobile device mo at pakinggan ang mga real-time na pagsasalin sa iyong wika.
- Buksan ang Translate app
.
- Kung gusto mong gamitin ang Instant Translation nang may headphones sa iyong Android phone o tablet, ikonekta ang headphones mo.
- Sa ibaba, i-tap ang Instant translation
.
- Piliin ang gusto mong Instant translation mode at mga wika.
- Mga instant translation mode
-
Pakikinig: Available lang kapag nakakonekta ang headphones. Magkonekta ng headphones para marinig ang mga real-time na pagsasalin.
-
Pag-uusap: Magpe-play nang malakas ang mga pagsasalin sa mga speaker ng iyong telepono o headphones. Magpalitan sa pagsasalita.
-
Text lang: Basahin ang mga pagsasalin. Walang nagpe-play na audio.
-
Mga custom na setting: Nagbibigay-daan sa iyong pumili sa pagitan ng text lang, speaker, o headphones (kung nakakonekta).
-
- Mga instant translation mode
Tip: Awtomatikong nade-detect ng mikropono kapag huminto ang isang wika at nagsimula ang isa pang wika.
- Para mapakinggan ang pagsasalin, mag-tap sa anumang bahagi ng text.
- Para i-pause o ituloy ang pagsasalin, i-tap ang Magsalita
.
- Para lumabas sa pagsasalin, sa itaas, i-tap ang Bumalik
.
Tip: Posibleng naka-grey out ang ilang opsyon depende sa kung mayroon kang headphones. Kung wala kang nakakonektang headphones, naka-grey out ang opsyong “Pakikinig.”
Face to face mode
Sa face to face mode, matitingnan ng bawat nagsasalita ang transcription at pagsasalin ng bawat isa sa mga wika nila sa kalahating bahagi ng screen nila.
- Para tingnan ang mga pagsasalin sa face to face mode, i-tap ang Face to face
.
- Para i-pause o ituloy ang pagsasalin, i-tap ang Magsalita
.
- Para lumabas sa face to face mode, i-tap ang Isara
.
Magpadala ng feedback para sa Google Translate
- Sa Google Translate App, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting
Magpadala ng feedback
Magsimula.
- Ilagay ang iyong feedback.
- I-tap ang Ipadala.