- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Translate app
.
- Sa ibaba, piliin ang mga wika para sa iyong pag-uusap.
- Sa ibaba, i-tap ang Live translate
.
- Awtomatikong nade-detect ng mikropono kapag huminto ang isang wika at nagsimula ang isa pang wika.
- Para mapakinggan ang pagsasalin, mag-tap sa anumang bahagi ng text.
- Para i-pause o ituloy ang pagsasalin, i-tap ang Magsalita
.
- Para lumabas sa pagsasalin, sa itaas, i-tap ang Bumalik
.
Awtomatikong pag-detect ng wika
Bilang default, awtomatikong nade-detect ang wika ng pagsasalita sa pagitan ng 2 wikang napili. Para i-off ang awtomatikong pag-detect at i-enable ang manual na pag-detect:
- I-tap ang Mga Setting
.
- I-on ang Awtomatikong pag-detect ng wika.
- Bago ka magsalita, i-tap ang mikropono sa ibaba ng alinmang wika.
Face to face mode
Sa face to face mode, matitingnan ng bawat nagsasalita ang transcription at pagsasalin ng bawat isa sa mga wika nila sa kalahating bahagi ng screen nila.
- Para tingnan ang mga pagsasalin sa face to face mode, i-tap ang Face to face
.
- Para i-pause o ituloy ang pagsasalin, i-tap ang Magsalita
.
- Para lumabas sa face to face mode, i-tap ang Isara
.
Awtomatikong pag-playback
Kapag naka-on ang Awtomatikong pag-playback, awtomatikong babasahin ng app ang mga pagsasalin kapag huminto ang nagsasalita.
- Para i-on o i-off ang Awtomatikong pag-playback, i-tap ang Awtomatikong pag-playback
.
Tip: Para i-adjust ang laki ng text, i-tap ang Mga Setting . Pagkatapos, gamitin ang slider.