Magsalin gamit ang sulat-kamay o virtual na keyboard

Maaari mong i-type o iguhit ang mga titik o simbolong wala sa keyboard mo gamit ang virtual keyboard ng Google Translate.

  1. Pumunta sa Google Translate.
  2. Sa tabi ng "Kilalanin ang wika" i-click ang Pababang arrow Pababang Arrow.
  3. I-click ang wika kung saan magmumula ang pagsasalin. Ang bawat wika ay may iba't ibang keyboard.
  4. Sa kaliwang ibaba ng puting text box, i-click ang Pababang arrow Pababang Arrow.
  5. I-click ang keyboard na gusto mong gamitin. Ang keyboard o drawing area ay makikita sa ibaba ng puting text box.
  6. Gamitin ang keyboard para i-type o iguhit ang kung anong gusto mong isalin.

Tandaan: Para itago ang keyboard, i-click ang Isara Isara.