Puwede kang gumuhit ng mga letra o parirala at tingnan ang pagsasalin ng mga ito gamit ang Translate app. Kapaki-pakinabang ito kung hindi ginagamit ng iyong keyboard ang mga letra o simbolo na gusto mong isalin.
- Buksan ang Translate app .
- Sa ibaba, i-tap ang wikang isasalin mo.
- Sa ibaba, i-tap ang wika kung saan magsasalin.
- I-tap ang Sulat-kamay .
- Kung hindi nakikita ang button, hindi maisasalin ng sulat-kamay ang wikang iyon.
- Sa box na nagsasabing "Magsulat dito," gumuhit ng character, salita, o parirala.
- Kapag huminto ka na sa pagguhit, ipapakita ng Translate ang pinakamalapit na tugma.
- Para magdagdag ng mga space sa pagitan ng mga entry, i-tap ang Space.
- Para mag-delete ng mga titik, i-tap ang Backspace .
- Kapag tapos ka na, i-tap ang Isalin .
Tip: Kung kailangan mong magsulat ng mga character nang mas mabagal, i-tap ang Mga Setting . Pagkatapos, i-off ang setting na Awtomatikong paglalagay.