Magsalin sa pamamagitan ng pagsasalita

Kung may mikropono ang iyong device, puwede kang magsalin ng mga binibigkas na salita at parirala. Sa ilang wika, puwede mong pakinggan na binibigkas nang malakas ang pagsasalin.

Mahalaga: Kung gumagamit ka ng naririnig na screen reader, inirerekomenda naming gumamit ka ng headphones, dahil posibleng makagulo ang boses ng screen reader sa na-transcribe na speech.

Magsalin gamit ang mikropono

Mahalaga: Nag-iiba ang mga sinusuportahang wika ayon sa browser. Puwede kang magsalin gamit ang mikropono sa Chrome at may limitadong suporta sa Safari at Edge.

  1. Bigyan ng pahintulot ang browser mo na gamitin ang iyong mikropono at tingnan ang mga setting ng mikropono mo sa iyong browser. 
    • Sa Mac: Nasa Mga Kagustuhan sa System ang mga setting ng mikropono.
    • Sa PC: Nasa Control Panel ang mga setting ng mikropono.
    • Sa Android: Buksan ang Mga Setting Mga Setting. I-tap ang Privacy. I-on ang access sa mikropono. 
    • Sa iOS: Buksan ang Mga Setting. I-tap ang Privacy at pagkatapos ay Mikropono. Sa tabi ng “Google Translate,” i-on ang access sa mikropono.
  2. Sa iyong computer, pumunta sa Google Translate.
  3. Piliin ang mga wikang pagsasalinan at isasalin.
    • Hindi awtomatikong made-detect ng pagsasalin gamit ang mikropono ang iyong wika.
  4. Sa ibaba, i-click ang Mikropono Speak.
  5. Sabihin ang salita o pariralang gusto mong isalin.
  6. Kapag tapos ka na, i-click ang Ihinto Stop.

Pakinggan ang mga pagsasalin na binibigkas nang malakas

  1. Pumunta sa Google Translate.
  2. Piliin ang mga wikang pagsasalinan at isasalin.
  3. Sa text box, ilagay ang content na gusto mong isalin.
  4. Para mapakinggan ang pagsasalin, i-click ang Pakinggan Makinig.

Tip: Para baguhin ang bilis ng audio, i-click ang Mga Setting Settings sa kanang bahagi sa itaas at piliin ang Normal, Mabagal, o Mas Mabagal.

I-troubleshoot ang mga mensahe ng error

Kailangan ng pahintulot para magamit ang mikropono

Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error na nagsasabing “Kailangan ng pahintulot para magamit ang mikropono,” bigyan ng pahintulot ang iyong browser para magamit ang mikropono mo. Alamin kung paano pamahalaan ang mga pahintulot sa mikropono para sa Chrome.

Hindi sinusuportahan ang pag-input gamit ang boses sa browser na ito

Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error na nagsasabing "Hindi sinusuportahan ang pag-input gamit ang boses sa browser na ito," subukang gumamit ng ibang browser. Ang Chrome ang tanging browser na ganap nang sinusuportahan.

Hindi available ang pag-input gamit ang boses

Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error na nagsasabing "Hindi available ang pag-input gamit ang boses" para sa piniling wika, hindi available ang feature na ito para sa wika.

Hindi ka namin marinig nang maayos.

Kung makakatanggap ka ng mensahe ng error na nagsasabing "Hindi ka namin marinig nang maayos," subukan ang mga hakbang na ito:

  • Lumipat sa tahimik na kuwarto.
  • Gumamit ng external na mikropono.
  • Laksan ang volume ng input sa iyong mikropono.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14150182296402329668
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73122
false
false