Magsalin sa pamamagitan ng pagsasalita

Kung may mikropono ang iyong device, puwede kang magsalin ng mga binibigkas na salita at parirala. Sa ilang wika, puwede mong pakinggan na binibigkas nang malakas ang pagsasalin.

Mahalaga: Kung gumagamit ka ng naririnig na screen reader, inirerekomenda naming gumamit ka ng headphones, dahil posibleng makagulo ang boses ng screen reader sa na-transcribe na speech.

Magsalin sa pamamagitan ng pagsasalita

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app Translate app.
  2. Piliin ang mga wikang gusto mong pagsalinan at isalin.
    • Mula sa: Sa kaliwang bahagi sa ibaba, pumili ng wika.
    • Papunta sa: Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang wika ng pagsasalin. 
  3. I-tap ang Magsalita Speak.
    • Kung naka-disable ang button na ito, hindi maisasalin ang binibigkas na wika.
  4. Kapag sinabi nitong "Magsalita na," sabihin kung ano ang gusto mong isalin.

Tip: Alamin kung paano magsalin ng bilingual na pag-uusap.

Baguhin ang iyong mga setting ng pagsasalita

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Translate app Translate app.
  2. I-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting Settings.
  3. Pumili ng setting. Halimbawa:
    • Para awtomatikong bigkasin ang naisaling text: I-tap ang Pag-input gamit ang speech. Pagkatapos ay i-on ang Bigkasin ang output.
    • Para magsalin ng mga nakakapanakit na salita: I-tap ang Pag-input gamit ang speech. Pagkatapos ay i-off ang I-block ang mga nakakapanakit na salita.
    • Para pumili sa mga available na diyalekto: I-tap ang Rehiyon. Pagkatapos ay piliin ang wika at diyalekto.
    • Para pumili ng kasarian ng boses: I-tap ang Tono. Pagkatapos ay piliin kung lalaki o babae.
      • Available lang ang feature na ito para sa ilang wika. 

Baguhin ang bilis ng iyong audio

  1. Buksan ang Translate app Translate app.
  2. I-tap ang Menu  at pagkatapos ay Mga Setting Settings at pagkatapos ay Bilis.
  3. Piliin ang Normal, Mabagal, o Mas Mabagal.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11463105400892856507
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73122
false
false