Magsalin ng mga dokumento at website

Puwede kang magsalin ng mga website at dokumento sa ilang device.

Magsalin ng mga website

Mahalaga: Hindi sinusuportahan sa lahat ng rehiyon ang feature na ito.

  1. Sa iyong browser, pumunta sa Google Translate.
  2. Sa itaas, i-click ang Mga Website.
  3. Inirerekomenda naming itakda ang orihinal na wika sa “I-detect ang wika.”
  4. Sa “Website,” maglagay ng URL.
  5. I-click ang Go Translate.

Magpalipat-lipat sa mga orihinal at isinaling website

Kapag nagbukas ka ng isinaling website, puwede kang magpalipat-lipat sa mga orihinal at isinaling website.

Sa mga katamtaman hanggang malalaking screen

  • Opsyon 1: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang mga tab na wika.
  • Opsyon 2: Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Pababang arrow Pababang Arrow para mabuksan ang dropdown menu. Piliin ang Pagsasalin o Orihinal.

Sa maliliit na screen

  • Opsyon 1: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang mga tab na wika.
  • Opsyon 2: Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit Pa. Sa pinalawak na menu, sa tabi ng “Ipakita ang orihinal na page,” i-click ang switch  para magpalipat-lipat sa orihinal at isinaling website.

Baguhin ang wika ng isinaling website

Pagkatapos mong mabuksan ang isang isinaling website, puwede mong baguhin ang wika ng pagsasalin.

  1. Tiyaking nasa isinaling website ka.
  2. Sa itaas, sa tab na wika ng pagsasalin, i-click ang Pababang arrow Pababang Arrow.
Tip: Kung sa tingin mo ay mali ang orihinal na wika ng website, i-click ang tab na orihinal na wika at pagkatapos Pababang arrow Pababang Arrow.

Widget ng pagsasalin ng website

Kung isa kang website ng pang-akademikong institusyon, pamahalaan, nonprofit, o di-komersyal na website, puwede kang maging kwalipikado na mag-sign up para sa shortcut ng Translator ng Website ng Google Translate. Nagsasalin ang tool na ito ng content ng web sa mahigit 100 wika. Para makuha ang shortcut ng Translator ng Website, mag-sign up sa aming form para sa pagsasalin ng website.

Magsalin ng mga dokumento

Puwede kang magsalin ng mga dokumentong hanggang 10 MB sa anuman sa mga format na ito: .docx, .pdf, .pptx, .xlsx. Dapat na 300 page o mas kaunti ang mga PDF file. Para magsalin ng higit pang dokumento o mas malalaking dokumento, alamin ang tungokl sa Cloud Translation API.

Mahalaga: Kasalukuyang hindi sinusuportahan ang pagsasalin ng dokumento sa mas maliliit na screen o sa mobile.
  1. Sa iyong browser, pumunta sa Google Translate.
  2. Sa itaas, i-click ang Mga Dokumento.
  3. Piliin ang mga wikang pagsasalinan at isasalin.
    • Para awtomatikong itakda ang orihinal na wika ng isang website, i-click ang I-detect ang wika.
  4. I-click ang I-browse ang iyong computer.
  5. Piliin ang file na gusto mong isalin.
  6. I-click ang Tingnan ang Pagsasalin o I-download ang pagsasalin.
    • Nagbabago ang pariralang ito batay sa format ng iyong dokumento.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
2545994258186708339
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true