Magagamit mo ang widget ng Translate para maghanap ng mga entry sa Translate sa iyong home screen.
Idagdag ang widget
Mahalaga:
- Available lang ang feature na ito para sa mga device na may Android 5 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- Dapat mong i-install ang Google Translate app. I-download ang Google Translate para sa Android.
- Sa iyong Home screen, pindutin nang matagal ang isang bakanteng espasyo.
- Puwede mo ring pindutin nang matagal ang icon ng app na Translate.
- I-tap ang Mga Widget .
- Mag-scroll para makia ang widget ng Translate.
- Pindutin nang matagal ang widget.
- Ilipat ang widget sa lokasyong gusto mo sa screen. Pagkatapos, iangat ang iyong daliri.
I-resize ang widget
- Sa iyong Home screen, pindutin nang matagal ang widget ng Translate.
- Pagkatapos mong iangat ang iyong daliri, sa mga sulok ng widget, pindutin nang matagal ang mga tuldok.
- Mag-tap sa labas ng widget.
Gamitin ang Toolbar ng Mga Mabilisang Pagkilos
Mahalaga: Batay sa mga wika sa pagsasalin, hindi available sa lahat ng oras ang lahat ng mabilisang pagkilos.
- Search bar: Para mabilis na mabuksan ang Translate app, i-tap ang indicator ng wika ng pagsasalin.
- Pag-input gamit ang boses: Para direktang magsalita sa field ng text, i-tap ang Mic .
- Pag-uusap: Para isalin ang isang salita o parirala mula sa isang wika patungo sa isa pa, i-tap ang Pag-uusap .
- Transcribe: Para isalin at i-transcribe ang iyong pag-uusap nang real time, i-tap ang I-transcribe .
- World Lens: Para awtomatikong isalin kung ano ang nakikita ng iyong camera, i-tap ang Camera .
- Isalin ang clipboard: Para mabilis na isalin ang isang salita o pariralang kinopya mo, i-tap ang Clipboard .
Mga na-save na pagsasalin at history
Makikita mo ang iyong mga na-save na pagsasalin, tab sa view ng buong history, mag-save ng pagsasalin, o kumopya ng mga pagsasalin sa iyong clipboard.
Para makita ang mga nakaraang pagsasalin, i-tap ang title bar. Mula rito, magagawa mong:
- Mag-scroll: Para makita ang iyong history at mga na-save na pagsasalin, sa ilalim ng “History” o “Na-save,” mag-scroll pataas.
- Tab: Para magpalipat-lipat sa pagitan ng iyong history at mga na-save na pagsasalin, sa tabi ng “History” o “Na-save,” i-tap ang Over .
- Kopyahin: Para kopyahin ang iyong pagsasalin sa clipboard, sa tabi ng pagsasalin, i-tap ang Kopyahin .
- I-save: Para i-save ang iyong pagsasalin, sa tabi ng pagsasalin, i-tap ang I-save .
- Sabihin: Para marinig ang iyong naisaling parirala, i-tap ang Sabihin .
- Kapag na-tap mo ang pagsasalin, bubukas ang mga detalye ng pagsasalin sa Translate app.
- Hindi available sa lahat ng wika ang feature na ito.