Gamitin ang widget ng Google Translate

Magagamit mo ang widget ng Translate para maghanap ng mga entry sa Translate sa iyong home screen.

Idagdag ang widget

Mahalaga: 

  1. Sa iyong Home screen, pindutin nang matagal ang isang bakanteng espasyo.
    • Puwede mo ring pindutin nang matagal ang icon ng app na Translate.
  2. I-tap ang Mga Widget Mga Widget.
  3. Mag-scroll para makia ang widget ng Translate.
  4. Pindutin nang matagal ang widget.
  5. Ilipat ang widget sa lokasyong gusto mo sa screen. Pagkatapos, iangat ang iyong daliri.

I-resize ang widget

  1. Sa iyong Home screen, pindutin nang matagal ang widget ng Translate. 
  2. Pagkatapos mong iangat ang iyong daliri, sa mga sulok ng widget, pindutin nang matagal ang mga tuldok. 
  3. Mag-tap sa labas ng widget.

Gamitin ang Toolbar ng Mga Mabilisang Pagkilos

Mahalaga: Batay sa mga wika sa pagsasalin, hindi available sa lahat ng oras ang lahat ng mabilisang pagkilos.
  • Search bar: Para mabilis na mabuksan ang Translate app, i-tap ang indicator ng wika ng pagsasalin.
  • Pag-input gamit ang boses: Para direktang magsalita sa field ng text, i-tap ang Mic .
  • Pag-uusap: Para isalin ang isang salita o parirala mula sa isang wika patungo sa isa pa, i-tap ang Pag-uusap .
  • Transcribe: Para isalin at i-transcribe ang iyong pag-uusap nang real time, i-tap ang I-transcribe .
  • World Lens: Para awtomatikong isalin kung ano ang nakikita ng iyong camera, i-tap ang Camera Camera.
  • Isalin ang clipboard: Para mabilis na isalin ang isang salita o pariralang kinopya mo, i-tap ang Clipboard .

Mga na-save na pagsasalin at history

Makikita mo ang iyong mga na-save na pagsasalin, tab sa view ng buong history, mag-save ng pagsasalin, o kumopya ng mga pagsasalin sa iyong clipboard.

Para makita ang mga nakaraang pagsasalin, i-tap ang title bar. Mula rito, magagawa mong:

  • Mag-scroll: Para makita ang iyong history at mga na-save na pagsasalin, sa ilalim ng “History” o “Na-save,” mag-scroll pataas.
  • Tab: Para magpalipat-lipat sa pagitan ng iyong history at mga na-save na pagsasalin, sa tabi ng “History” o “Na-save,” i-tap ang Over .
  • Kopyahin: Para kopyahin ang iyong pagsasalin sa clipboard, sa tabi ng pagsasalin, i-tap ang Kopyahin .
  • I-save: Para i-save ang iyong pagsasalin, sa tabi ng pagsasalin, i-tap ang I-save .
  • Sabihin: Para marinig ang iyong naisaling parirala, i-tap ang Sabihin .
    • Kapag na-tap mo ang pagsasalin, bubukas ang mga detalye ng pagsasalin sa Translate app.
    • Hindi available sa lahat ng wika ang feature na ito.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu