Mga Tip at Trick

Tingnan ang mga tip sa ibaba para tulungan kang magsimula sa Google Translate.

Mag-download ng mga wikang gagamitin on-the-go

Puwede kang mag-download ng mga wika sa iyong device. Nagbibigay-daan ito sa iyong magsalin nang walang koneksyon sa internet. 

Para maiwasan ang mga mabagal na pag-download o karagdagang singil sa paggamit ng data, mag-download ng mga wika kapag konektado sa Wi-Fi.

Alamin kung paano mag-download ng mga wikang gagamitin offline.

Isalin ang nakikita mo sa iyong camera

Puwede mong gamitin ang camera ng iyong telepono para magsalin ng text sa mundong nasa paligid mo gamit ang Translate app. Halimbawa, puwede kang magsalin ng mga simbolo, menu, o nakasulat-kamay na tala.

Alamin kung paano magsalin ng mga larawan.

Magsalin ng pag-uusap

Nagbibigay-daan ang Translate app sa iyong makapagsalin nang halos real-time habang nagsasalita ang isang tao sa ibang wika. Halimbawa, puwede kang magsalin ng isang lecture sa klase o talumpati.

Alamin kung paano magsalin ng bilingual na pag-uusap.

I-save ang mga paboritong salita at parirala

Puwede mong i-save ang iyong history sa Google Translate para hanapin ang mga kahulugan ng mga salita o pariralang regular mong isinasalin sa iyong phrasebook.

Alamin kung paano mag-save ng mga pagsasalin.

I-tap para isalin sa iba pang app

Puwede kang magsalin ng text nang hindi lumilipat nang pabalik-balik sa pagitan ng Google Translate at isa pang app na ginagamit mo.

Alamin kung paano magsalin ng text sa iba pang app.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1217012499767001805
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73122
false
false