Sumali sa waitlist

Nagbibigay-daan sa iyo ang Reserve with Google na sumali sa waitlist ng isang restaurant gamit ang Google Account mo. Magagawa mong subaybayan kung nasaan ka na sa waitlist, at kung gaano katagal ang iyong kasalukuyang paghihintay.

Paano sumali sa isang waitlist

Puwede mong idagdag ang iyong sarili sa anumang waitlist ng kalahok na restaurant. Puwede kang sumali sa waitlist ng mga restaurant na may button na “Sumali sa waitlist” sa panel ng impormasyon ng kanilang negosyo.

Para sumali sa waitlist ng isang restaurant, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Sa Google Maps o Search, piliin ang restaurant kung saan mo gustong kumain.
  2. Sa panel ng impormasyon ng restaurant, i-click ang Sumali sa waitlist.
  3. Para isaayos ang laki ng iyong grupo, i-click ang Magdagdag Idagdag o Mag-alis Alisin. Pagkatapos, i-click ang Magpatuloy
  4. Ilagay ang numero ng iyong telepono. Pagkatapos, i-click ang Sumali sa waitlist.
    Tip: Ang numerong ilalagay mo ay gagamitin bilang pangunahing contact sa restaurant.
  5. Para bumalik sa panel ng impormasyon ng negosyo, i-click ang Tapos na. Makikita mo ang iyong kasalukuyang tagal ng paghihintay at kung ilang grupo ang nauna sa iyo.
    • Para alisin ang iyong sarili sa waitlist, i-click ang Umalis sa waitlist.

Paano i-delete ang iyong entry sa waitlist

Para i-delete ang iyong entry sa waitlist, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Pumunta sa  Reserve with Google.
  2. Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang Menu Menu.
  3. I-click ang Mga Booking and then Mga Waitlist.
  4. Sa entry sa waitlist na gusto mong i-delete, i-click ang Higit pa More.
  5. I-click ang I-delete ang booking.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9743796177564072043
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1330800
false
false