Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

This page is for the previous, classic version of G+ and may be outdated. We will be updating this page in the next few weeks and will remove this banner when the page has been updated.

Magbahagi ng isang post sa Google+

Maaari kang magbahagi ng mga post sa Mga Koleksyon, Komunidad o tao. Kapag nagbahagi ka ng post, makikita ito ng mga taong sumusubaybay sa iyo, o sa Koleksyon o Komunidad kung saan ka nag-post, sa kanilang stream. Maaari ding lumabas sa iyong profile ang mga post na ibinabahagi mo.

Maaaring makakonekta ang mga tao sa iyo sa pamamagitan ng pagkokomento, muling pagbabahagi at pagpa-+1 ng iyong mga post.

Magbahagi ng post

Sa isang computer
  1. I-click ang icon ng pagbabahagi .
  2. I-type ang iyong post. 
    1. Upang ibahagi ang isang larawan, i-click ang icon ng larawan .
    2. Upang ibahagi ang isang link, i-click ang icon ng link .
    3. Upang ibahagi ang iyong lokasyon, i-click ang icon ng lokasyon .
  3. Upang piliin kung kanino ibabahagi ang post, i-click ang asul na text sa tabi ng iyong pangalan. Maaari kang magbahagi sa isang tao, Koleksyon, Komunidad o circle. 
  4. I-click ang I-POST.
Sa isang mobile device
  1. Pindutin ang icon ng pagbabahagi .
  2. I-type ang iyong post. 
    1. Upang ibahagi ang isang larawan, pindutin ang icon ng larawan .
    2. Upang ibahagi ang isang link, pindutin ang icon ng link .
  3. Upang piliin kung kanino ibabahagi ang post, pindutin ang asul na text sa tabi ng iyong pangalan. Maaari kang magbahagi sa isang tao, Koleksyon, Komunidad o circle. 
  4. Sa iOS, pindutin ang I-POST. Sa Android, pindutin icon ng i-post .

Muling ibahagi ang isang post sa Google+

Upang muling ibahagi ang isang bagay na na-post ng ibang tao:

  1. Sa post na gusto mong muling ibahagi, i-click o pindutin ang icon ng pagbabahagi.
    1. Sa isang computer o sa Android app: .
    2. Sa iOS: .
  2. I-click o pindutin ang Ibahagi sa Google+.
  3. Pindutin kung kanino mo gustong ibahagi ang post.
  4. I-click o pindutin ang I-POST (sa isang computer o sa iOS app) o ang icon ng i-post (sa Android).

Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang icon ng ibahagi, ang ibig sabihin nito ay pinili ng taong gumawa ng post na huwag payagan ang mga tao na muling ibahagi ito. Hindi mo maibabahagi sa publiko ang mga post na ibinahagi nang pribado.

Ibahagi ang isang post sa Google+ sa labas ng Google+

Maaari mong ibahagi ang URL ng isang pampublikong post mula sa Google+ sa ibang serbisyo gaya ng Facebook, Pinterest o Twitter sa pamamagitan ng pagbabahagi sa labas ng Google+.

Upang ibahagi ang isang pampublikong post sa Google+ sa labas ng Google+:

  1. Buksan ang post na gusto mong ibahagi sa labas ng Google+.
  2. I-click o pindutin ang icon ng pagbabahagi.
    1. Sa isang computer o sa Android app: .
    2. Sa iOS app: .
  3. I-click o pindutin ang Ibahagi kahit saan o Ibahagi sa pamamagitan ng..., o piliin kung saan mo gustong ibahagi ito.
  4. Piliin ang website kung saan mo gustong ibahagi ang post.

I-edit ang isang post na ibinahagi mo

Maaari kang gumawa ng mga pagbabago sa isang post pagkatapos mong ibahagi ito sa Google+.

Upang i-edit ang isang post:

  1. Buksan ang post na gusto mong i-edit.
  2. I-click o pindutin ang icon ng menu .
  3. I-click o pindutin ang I-edit ang post.
  4. Gawin ang iyong mga pagbabago, pagkatapos ay i-click ang TAPOS NA o pindutin ang I-SAVE o ang icon ng ipadala .

Maaari mo ring i-delete ang iyong post.

Ang pagbabahagi ng impormasyon ng heograpikong lokasyon sa mga larawan

Pinapayagan ka ng Google+ na magsama ng data ng heograpikong lokasyon kapag nagbahagi ka ng isang larawan. Naka-off ang setting na ito bilang default.

Kung io-on mo ang setting na ito, makikita ng mga tao kung saan kinunan ang iyong mga larawan kapag binuksan o na-download nila ang iyong larawan.

Upang i-on o i-off ang setting na ito:

Sa isang computer:

  1. Buksan ang menu ng Navigation, pagkatapos ay piliin ang Mga Setting.
  2. Mag-scroll sa "Ipakita ang heograpikong lokasyon bilang default sa mga kakabahagi pa lang na album" at gamitin ang switch upang baguhin ang iyong setting.

Sa Android app:

  1. Buksan ang menu ng Navigation, pagkatapos ay piliin ang Mga Setting.
  2. Buksan ang account kung para saan mo gustong magbago ng mga setting.
  3. Pindutin ang Mga Larawan at video na naibahagi sa Google+.
  4. Gamitin ang checkbox sa tabi ng "Lokasyon" upang baguhin ang setting ng iyong heograpikong lokasyon. 

Pigilan ang mga tao sa pagkomento sa o muling pagbabahagi ng iyong post

Kapag gumawa ka ng isang post, maaaring magkomento ang mga tao rito at muling ibahagi ito bilang default. Kung hindi mo gustong magkomento sa o muling ibahagi ng mga tao ang isang post na ginawa mo, maaari mong baguhin ang setting na iyon.

Upang pahintuin ang mga tao mula sa pagkokomento sa o muling pagbabahagi ng iyong post:

  1. Buksan ang post kung saan mo gustong i-off ang pagkokomento o muling pagbabahagi. Maaari mo ring baguhin ang setting na ito kapag gumagawa ka ng isang post.
  2. Pindutin ang icon ng menu .
  3. Piliin ang I-disable ang mga komento o I-disable ang mga muling pagbabahagi.

Maaari mong i-delete ang isang komentong ginawa ng isang tao sa iyong post sa pamamagitan ng pagbubukas sa menu ng komento at pagpili sa I-delete ang komento.

Maaari mo ring baguhin kung sino ang maaaring magkomento sa iyong mga pampublikong post gamit ang Menu ng mga setting.

Mga Poll

Pagdaragdag ng mga larawan: Maaari mong i-upload ang isang larawan mula sa iyong desktop o camera roll ng device, pumili ng isang larawan mula sa iyong mga album sa Google+ Photos o maghanap ng isang larawan gamit ang Google Image Search. Kung mag-upload ka ng mga larawan o pumili ng mga larawan gamit ang Google Image Search, awtomatiko kaming gagawa ng pribadong album ng Google+ Photos gamit ang mga larawang iyon. Ikaw lang ang makakakita sa pribadong album na ito, maliban kung ibahagi mo ang URL ng album sa ibang tao.

Pagde-delete ng mga larawan: Kung magde-delete ka ng isang larawan mula sa pribadong album ng larawan ng mga poll na ito, aalisin nito ang larawan mula sa mismong poll.

Mahalaga: Maaaring makita ng mga taong nakakakita sa poll kung ano ang ibinoto mo.

Pagbabahagi ng mga poll: Upang tiyakin na ang mga boto sa mga pribadong poll ay hindi naibababahagi sa publiko, ang mga pampublikong poll lang ang maaari mong muling ibahagi.

Image Search at Google+ Polls: Makakahanap ang sinuman ng mga larawan sa Web, ngunit kung gusto mong gamitin ang mga ito, mahalaga ang mga karapatan sa paggamit. Maaaring gumamit ng mga lisensya ang mga may-ari ng copyright upang ipaliwanag kung maaari at paano magagamit ng ibang tao ang kanilang content.

Kung lumilikha ka ng isang Google+ poll, magagamit mo ang Google Image Search para humanap ng mga larawan mula sa mismong tool sa paggawa ng mga poll. Ang mga resultang ipinapakita ay may label para sa komersyal na muling paggamit na may pagbabago. Ngunit walang paraan ang Google upang malaman kung OK ang partikular na paggamit mo at wala kaming ibinibigay na pangako. Kaya dapat mong suriin ang pinagmulang page ng larawan para sa mga detalye ng lisensya at piliin lang ang mga larawan na nakumpirma mong magagamit mo. At isaisip na hinihingi ng karamihan ng mga lisensya na magbigay ka ng credit kapag gumagamit ng larawan.

Kung makahanap ka ng mga larawan sa Google Image Search na walang detalye ng lisensya, paki-ulat ang mga ito sa help forum .At tandaan, kailangan na palagi mong sundin ang aming Mga Patakaran at Prinsipyo ng Google+.

Paghahanap
Ang content na ibinabahagi mo sa publiko sa Google+ ay nahahanap sa publiko -- kahit na hindi pampubliko ang iyong profile sa Google. Ang content na ibinabahagi mo sa mga partikular na circle ay mahahanap lang ng mga tao kung kanino ito nakabahagi. Walang paraan upang gawing hindi nahahanap ang content na ibinabahagi mo.

Tandaan: Hindi lahat ng feature ay available sa lahat ng platform. Kung hindi mo makita ang isang bagay na hinahanap mo, pakisubukan sa ibang device.

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?