Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Mga Larawan sa Google+

Tingnan o I-delete ang mga name tag na naka-link sa iyo

Upang tingnan o i-delete ang mga name tag sa mga larawan kung saan naka-tag ka, bisitahin ang Archive ng Album at i-click o i-tap ang icon ng Mga Detalye para sa larawang gusto mong baguhin.

Makikita mo rin ang sinumang naka-tag sa larawan sa Archive ng Album.

Ipakita kung saan kinunan ang iyong mga larawan

Alamin kung paano itago kung saan kinunan ang mga larawan o video gamit ang bagong Google Photos. Ang artikulong ito ay para sa mga larawang naka-post sa Google+.

Ipakita sa mga taong nakakakita sa iyong mga larawan kung saan kinunan ang mga larawan mo sa pamamagitan ng pagpapakita sa impormasyon ng lokasyon.Maaari kang magdagdag ng mga lokasyon sa isang larawan sa manual o awtomatikong paraan, sa pamamagitan ng pag-on sa mga serbisyo ng lokasyon.

Upang makita ang lahat ng naka-post mong larawan sa Google+ (at iba pang serbisyo ng Google), maaari mong bisitahin ang Archive ng Album.

Hakbang 1: I-on ang mga serbisyo ng lokasyon ng iyong mobile device

Android device

  1. Pumunta sa Mga Setting sa iyong telepono o tablet.
  2. Pindutin ang Lokasyon > I-ON.

iPhone o iPad

  1. Pumunta sa Mga Setting sa iyong telepono o tablet.
  2. Pindutin ang Privacy > Mga Serbisyo ng Lokasyon > I-ON.

Hakbang 2: Ipakita ang lokasyon para sa mga bagong larawang ia-upload mo

Sa oras na i-on mo ang mga serbisyo ng lokasyon, mapipili mong awtomatikong ipakita ang impormasyon ng lokasyon ng mga larawan at video na ia-upload mo sa Google+ sa hinaharap. 

  1. Buksan ang Google+ o Google+ app Google Plus.
  2. I-click o i-tap ang Menu Menupagkatapos ay Mga Setting. 
  3. Sa "Mga Larawan" o "Mga Larawan at Video na Nakabahagi sa Google+," sa tabi ng "Ipakita ang heograpikong lokasyon bilang default sa mga kababahagi pa lang na album sa Google+," i-click o i-tap ang switch sa pag-toggle.

Ipakita o itago ang lokasyon ng mga naka-upload nang album sa Google+

Kahit naka-on ang setting na "Ipakita ang heograpikong lokasyon bilang default sa mga kababahagi pa lang na album," mapipili mong ipakita o itago ang lokasyon ng isang album.

Kung pipiliin mong itago ang data ng lokasyon para sa isa sa iyong mga album, hindi makikita ng mga taong titingin sa album na iyon ang impormasyon ng lokasyon ng mga larawang nasa nasabing album.

  1. Sa isang computer o mobile browser, buksan ang Google+.
  2. Piliin ang album na gusto mong ipakita o itago ang lokasyon. 
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click o i-tap ang Impormasyon Impormasyon.
  4. Sa kanang bahagi sa ibaba, sa tabi ng "Ibahagi ang data ng lokasyon ng album na ito sa mga tumitingin," lagyan ng check o i-uncheck ang kahon. 

Mag-download ng mga larawan gamit ang Google+

Mag-save ng mga larawan at i-download ang iyong mga album gamit ang Google+. Magagawa rin ng mga taong binabahagian mo ng iyong mga larawan na i-download ang mga larawan mo gamit ang Google+, maliban na lang kung babaguhin mo ang iyong mga setting

Android

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google+ app Google Plus.
  2. I-tap ang larawang gusto mong i-download.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay I-download

Computer

Mag-download ng larawan:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google+
  2. I-click ang larawang gusto mong i-download. 
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng screen, i-click ang I-download I-download.

I-download ang isa sa iyong mga album ng larawan:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Archive ng Album mo.
  2. Buksan ang larawan o album na gusto mong i-download.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay I-download ang album o I-download ang larawan.

iPhone/iPad

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Google+ app Google Plus.
  2. I-tap ang larawang gusto mong i-download. 
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay I-download ang larawan.

Kung hindi mo makita ang opsyong I-download, maaaring binago ng taong nagbahagi sa larawan ang kanyang mga setting sa Google+ upang huwag payagan ang mga tumitingin na i-download ang kanyang mga larawan. 

Limitahan ang mga kakayahan ng iba na i-download ang iyong mga larawan gamit ang Google+

  1. Buksan ang Google+ o Google+ app Google Plus.
  2. I-click o i-tap ang Menu Menu pagkatapos ay Mga Setting
  3. I-click o i-tap ang Mga Larawan. 
  4. Sa tabi ng "Payagan ang mga tumitingin na i-download ang mga nakabahagi kong larawan at video sa Google+," i-click o i-tap ang switch sa pag-toggle. 

 

Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Hanapin, ibahagi at ayusin ang iyong mga larawan nang mas madali at mabilis gamit ang bagong Google Photos.