Mag-edit ng mga larawan sa computer

Matutunan kung paano mag-edit ng mga larawan gamit ang bagong Google Photos. Ang artikulong ito ay para sa Google+ Photos.

Mga pangunahing pag-edit

Upang magsimula, magdagdag ng larawan sa Google+ at pagkatapos ay mag-click sa isang larawan upang tingnan ito sa full screen na lightbox view. Gamit ang mga icon sa itaas, maaari mong i-rotate, i-zoom in, i-crop o Delete i-delete ang iyong larawan.

Mga advanced na pag-edit

Buksan ang larawan sa lightbox view > i-click ang I-edit upang i-access ang mga tool na ito:

I-tune ang larawan
Gumawa ng impresyon ng layo at tingkad sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga antas ng liwanag, contrast, saturation, shadow o warmth. Maaari ka ring pumili sa hanay ng iba't ibang preset na effects. Pagkatapos pumili ng preset, gamitin ang mga available na control upang pinuhin ang resulta.
Piling Pagsasaayos
Mag-tune ng mga bahagi ng iyong larawan nang hindi binabago ang iba pa sa pamamagitan ng paggamit ng mga control point. Ang bawat point ng kontrol na ilalagay mo ay awtomatikong pipili ng mga nakapaligid na bagay batay sa magkakaparehong hue, saturation at liwanag. Halimbawa, maaari mong ayusin ang liwanang ng langit nang hindi binabago ang beach sa harapan. 
Mga Detalye
Pagandahin ang mga detalye at sharpness ng iyong larawan. Maaari kang manu-manong gumawa ng mga pagsasaayos o pumili mula sa isang range ng mga preset na pagsasaayos. Pagkatapos pumili ng preset, gamitin ang mga available na control upang pinuhin ang resulta.
Mag-crop
Alisin ang mga nakakagulong bahagi ng iyong larawan gamit ang mga standard na aspect ratio, o malayang pag-crop. I-click ang Ratio upang pumili ng aspect ratio ng pag-crop. Maaari mo ring i-rotate o ituwid ang mga larawan. Tandaan: Ang pagbabago sa mga sukat ng iyong larawan ay maaari ring magresulta sa pag-delete ng umiiral nang mga name tag sa iyong larawan.

Vintage
Gawing parang kinunan sa vintage o lumang film ang iyong larawan.

Drama
Magdagdag ng istilo gamit ang custom na effect na partikular na ibinagay sa iyong mga larawan, mula sa mga pinong texture hanggang sa mga kakaibang masining na effect.

Black & white
I-convert ang iyong larawan sa black & white, at pumili ng istilo mula sa vintage at grainy hanggang sa moderno at malinis.

HDR scape
Gamitin ang tone-mapping tool na ito upang alisin ang mga shadow at magpalabas ng detalye para sa isang larawang parang nasa panaginip at pantay ang pagkaka-expose na puno ng texture at buhay.

Retrolux
Gawing mukhang mas luma ang iyong larawan gamit ang mga light leak, scratch at iba pang istilo ng film.

Gitnang focus
Gawing focus ang subject ng iyong larawan sa pamamagitan ng pag-aayos ng liwanag at pagbu-blur ng background.

Tilt-shift
Gumawa ng makitid na in-focus area na idinisenyo upang gumawa ng depth of field, na ginagawang parang mga laruan ang isang karaniwang larawan.

Mga Frame
Magdagdag ng mga may istilong border sa iyong larawan para sa perpektong pagtatapos.

Pumunta sa aking mga larawan

I-troubleshoot: "Hindi ma-load ang Photo Editor"
Kung matatanggap mo ang mensahe ng error na ito, subukan itong lutasin gamit ang mga hakbang na ito:
Mga user ng Windows
Nangangailangan ang Photos Editor ng Windows 7 o mas bago pa at ng pinakabagong bersyon ng Chrome browser. I-update ang Chrome kung nagkakaproblema ka sa paggamit ng Photo Editor sa Windows.
I-troubleshoot: Mga user ng Linux
Kung hindi mo mabuksan ang mga tool sa pag-e-edit ng larawan, pakisubukan ang sumusunod:
  1. Sa URL bar ng Chrome Browser, ilagay ang chrome://flags
  2. Hanapin ang flag na "I-override ang listahan ng pag-render ng software." I-click ang "I-enable" > "I-relaunch Ngayon" sa ibaba ng page (ire-restart nito ang lahat ng nakabukas na window ng Chrome).
  3. Ilunsad ang mga tool sa pag-edit.

Naging posible ang mga tool sa pag-e-edit na ito sa pamamagitan ng iba't ibang open source na proyekto.