Tungkol sa Home page

Ang iyong Home page ay ang lugar upang magkaroon ng mga makabuluhang pag-uusap kasama ng mga taong iyong pinahahalagahan. Pinagsasama-sama nito ang lahat ng nilalamang ibinabahagi ng mga taong nasa iyong mga lupon. Makakakita ka dito ng mga post na may teksto, mga larawan, video, link, o marker ng lokasyon. Kapag nagbahagi ka sa mga indibidwal na tao o lupon, lalabas ang iyong nilalaman sa kanilang Home page kung nasa mga lupon ka nila.

READING AND RESPONDING TO POSTS VIDEO - DONT TRANSLATE

I-click ang Ibahagi kung ano'ng bago... sa box ng pagbabahagi sa gitna ng iyong Home page upang lumikha at magbahagi ng post sa iyong mga kaibigan sa Google+.

I-filter ang iyong Home page ayon sa lupon

Sa unang pagkakataong bisitahin mo ang iyong Home page, makikita mo ang nilalamang ibinahagi ng lahat ng tao sa iyong mga lupon. Upang ang nilalaman lang na ibinabahagi ng mga tao sa isang partikular na lupon ang makita, i-click ang menu ng Lahat ng lupon sa tuktok ng iyong Home page, pagkatapos ay pumili ng pangalan ng lupon. Matuto nang higit pa tungkol sa pag-filter ng iyong Home page.