Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Kung lumipat ka sa bagong bersyon ng Google+ sa isang computer, o kung nasa mobile ka, bisitahin ang bagong Help Center ng Google+. Para sa nakaraan at classic na bersyon ng Google+ ang page na ito at maaaring outdated na.

I-delete ang iyong profile sa Google+

Kung ayaw mo nang gamitin ang Google+, maaari mong i-delete ang iyong profile.

I-delete ang iyong profile sa Google+

  1. Sa iyong computer o mobile device, pumunta sa http://plus.google.com/downgrade at mag-sign in.
  2. Sa ibaba ng page, lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Kinakailangan."
  3. I-click o pindutin ang Alisin ang mga napiling serbisyo.

Mag-delete ng maraming profile sa Google+

Kung sinunod mo ang mga tagubilin sa itaas ngunit ibang account ang nakita kaysa sa account na gusto mong i-delete, subukan ang mga kahaliling tagubilin sa ibaba.

Android app
  1. Buksan ang Google+ app Icon ng Google+.
  2. Pindutin ang icon/button ng menu  > Mga Setting.
  3. Pindutin ang pangalan ng account na gusto mong i-delete > I-delete ang Google+ Profile > OK.
  4. Mag-scroll patungo sa ibaba ng page > pindutin ang kahon sa tabi ng “Kinakailangan."
  5. Pindutin ang Alisin ang mga napiling serbisyo.
Computer
  1. Buksan ang Google+.
  2. Sa kaliwang sulok sa itaas, i-click ang drop-down na menu  > Mga Setting.
  3. Mag-scroll pababa upang “I-disable ang Google+” > i-click ang I-delete ang iyong buong profile sa Google+ dito.
  4. Mag-scroll patungo sa ibaba ng page > lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “Kinakailangan” > i-click ang Alisin ang mga napiling serbisyo.
Mobile browser
  1. Buksan ang Google+ at tiyaking naka-sign in ka.
  2. Sa kaliwang sulok sa itaas, pindutin ang icon ng menu > Mga Setting.
  3. Sa seksyon na "Account," pindutin ang I-delete ang iyong Google+ Profile.
  4. Sa ibaba ng page, lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Kinakailangan," pagkatapos ay pindutin ang Alisin ang mga napiling serbisyo.
iPhone/iPad app
  1. Buksan ang Google+ app Icon ng Google+.
  2. Sa kaliwang sulok sa itaas, pindutin ang icon ng menu .
  3. Sa kanang sulok sa itaas, pindutin ang icon na gear  > Tungkol sa Google+ > I-delete ang profile sa Google+.
  4. Ilagay ang iyong username at password > Mag-sign in.
  5. Mag-scroll papunta sa ibaba ng page > pindutin ang kahon sa tabi ng “Kinakailangan” > Alisin ang mga napiling serbisyo.

Ihinto ang paggamit ng lahat ng produkto ng Google na magpapa-sign in sa iyo

Kung gusto mong ihinto ang paggamit sa lahat ng produkto ng Google na nagpapa-sign in sa iyo, tulad ng Gmail at Google Wallet, maaari mong matutunan ang pag-delete sa iyong Google Account.

Kung ide-delete mo ang iyong Google account, maaari ka pa ring gumamit ng mga produkto ng Google na hindi hihilingin sa iyong mag-sign in, tulad ng Google Search.

Mga Madalas Itanong

  • Kung ide-delete mo ang iyong profile sa Google+, magagamit mo pa rin ang ibang mga produkto ng Google tulad ng Gmail at Google Search.
     
  • Permanente ang pagde-delete ng iyong profile sa Google+. Kung magpasya kang gusto mong gamiting muli ang Google+ sa hinaharap, kakailanganin mong gumawa ng bagong profile.
Kapaki-pakinabang ba ang artikulong ito?
Paano namin mapapaganda ito?