Kontrolin ang iyong Pixel nang hindi ito hinahawakan

Kung may Pixel 4 ka, malalaman ng iyong telepono kung malapit ka gamit ang Motion Sense. Puwede kang gumamit ng mga galaw para mabilis na gumawa ng mga pagkilos sa iyong telepono nang hindi ina-unlock ang screen.

Mahalaga: Kung naka-on ang Pangtipid sa Baterya o Airplane mode, naka-off ang Motion Sense.

I-on o i-off ang Motion Sense

  1. Sa iyong Pixel 4, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang System At pagkatapos Motion Sense.
  3. I-on ang Motion Sense.

Kapag naka-on at aktibo ang Motion Sense:

  • Paminsan-minsan, makakakita ka ng light blue na ilaw sa itaas ng screen. Ipinapakita sa iyo ng ilaw na ito na may available na quick gesture, o na kakagamit mo lang ng galaw.
  • Malalaman ng Motion Sense na malapit ka, pero hindi nito malalaman kung sino ka.
  • Hindi camera ang Motion Sense.
  • Sa iyong telepono nangyayari ang lahat ng pagpoproseso ng Motion Sense. Hindi ipinapadala sa Google ang data ng signal ng sensor.

Mabilis na gumawa ng mga pagkilos gamit ang quick gestures

Patahimikin ang mga abala

Puwede kang kumaway sa iyong telepono para mag-snooze ng alarm, mag-off ng timer, o mag-mute ng tawag.

  1. Magtakda ng alarm, magtakda ng timer, o sumagot ng tawag.
  2. Kapag nag-off ito, kumaway nang isang beses sa iyong screen.

Hindi mao-off ang alarm o ibababa ang tawag kapag kumaway sa iyong telepono. Sa halip, sino-snooze ng iyong telepono ang alarm, pinapatahimik nito ang tawag, o hinihinaan nito ang tunog kapag inabot mo ang iyong telepono.

Lumaktaw ng mga kanta

Puwede kang kumaway sa iyong telepono para lumaktaw ng kanta, o para bumalik sa kantang kaka-play mo lang. Gagana ang galaw na ito sa karamihan ng app ng musika, at gagana pa rin ito kahit hindi nakabukas ang app o kung naka-off ang iyong screen.

  1. Mag-play ng kanta sa app ng musika.
  2. Para lumaktaw sa susunod na kanta, kumaway pakanan sa iyong telepono.
  3. Para bumalik sa nakaraang kanta, kumaway pakaliwa sa iyong telepono.

Mag-play o mag-pause ng musika

Para mag-pause o mag-play ng kanta, i-tap ang itaas na bahagi ng iyong telepono. Gumagana ang galaw na ito sa karamihan ng app ng musika at naka-off ito bilang default.

Mag-play ng kanta sa app ng musika, pagkatapos:

  • Para i-pause ang kanta, mag-tap sa itaas ng display.
  • Para patuloy na i-play ang kanta, mag-tap sa itaas ng display.

Palitan ang mga setting ng quick gestures

I-on ang iyong screen kapag malapit ka

Puwede mong ipapakita sa iyong telepono ang oras at mga notification kapag natukoy nito na malapit ka.

  1. Sa iyong Pixel 4, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang System At pagkatapos Motion Sense.
  3. Sa ilalim ng "Ambient na display":
    • Para i-wake ang iyong screen kapag kukunin mo ito, i-on ang Kunin para tingnan ang telepono.
    • Para panatilihing naka-wake ang iyong screen kapag nasa malapit ka, i-tap ang Idle na lock screen at pagkatapos ay Naka-on kapag nasa malapit ka o Palaging naka-on.

Simulan o ihinto ang pagpapatahimik sa mga abala

  1. Sa iyong Pixel 4, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang System At pagkatapos Motion Sense.
  3. I-tap ang Patahimikin ang mga abala.
  4. I-on o i-off ang Patahimikin ang mga abala.

Palitan ang direksyon ng pag-swipe o huminto sa paglaktaw sa mga kanta

  1. Sa iyong Pixel 4, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang System At pagkatapos Motion Sense.
  3. I-tap ang Lumaktaw ng mga kanta.
    • Para palitan ang direksyon ng pag-swipe, i-tap ang Direksyon ng pag-swipe.
    • Para i-off ito, i-tap ang Lumaktaw ng mga kanta.

Mag-ayos ng mga problema sa quick gestures

Kung hindi gumagana ang quick gestures:

  • Alisin ang case o screen protector ng iyong telepono. Gumamit ng case o protector na hindi hinaharangan ang itaas ng iyong screen.
  • I-off ang Motion Sense, pagkatapos ay i-on ito ulit. Alamin kung paano i-on o i-off ang Motion Sense.
  • I-off ang iyong telepono, pagkatapos ay i-on ito ulit.
  • Tingnan kung inaprubahan ang Motion Sense sa iyong bansa. Sa kasalukuyan, gagana ang Motion Sense sa US, Canada, Singapore, Australia, Taiwan, Japan, at sa karamihan ng bansa sa Europe. Kung pupunta ka sa isang bansa kung saan hindi ito naaprubahan, hindi ito gagana.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10118685595343493941
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false