I-unlock ang iyong Pixel phone gamit ang mukha mo

Paano gumagana ang Pag-unlock Gamit ang Mukha

Puwede kang gumawa ng natatanging modelo ng iyong mukha para i-unlock ang Pixel phone mo gamit ang Pag-unlock Gamit ang Mukha. Available ang Pag-unlock Gamit ang Mukha sa Pixel 4 at Pixel 7 o mas bagong mga Pixel phone, kasama ang Pixel Fold. Para gawin ang face model na ito habang nagse-set up, kukuha ka ng mga larawan ng iyong mukha mula sa iba't ibang anggulo. 

Kapag ginamit mo ang Pag-unlock Gamit ang Mukha, gagamitin ang mga larawan ng mukha para i-update ang iyong face model para, sa paglipas ng panahon, mas mahusay na makikilala ng iyong telepono ang mukha mo. Hindi sino-store ang mga larawan ng mukha na ginamit para gawin ang iyong face model, pero secure na naka-store ang face model sa telepono mo at hindi ito kailanman lalabas sa telepono. Sa iyong telepono secure na nangyayari ang lahat ng pagpoproseso.

Kapag nag-enroll ka sa Pag-unlock Gamit ang Mukha, ginagamit lang ang face model para sa Pag-unlock Gamit ang Mukha at hindi ito ibinabahagi sa anupamang serbisyo o app ng Google.

Para i-delete ang iyong face model na naka-store sa telepono, sundin ang mga tagubilin sa ibaba para sa modelo ng Pixel phone mo.

Mahalaga:
  • Puwedeng ituring na biometric na data sa ilang hurisdiksyon ang mga face model.
  • Kapag tiningnan mo ang iyong telepono, puwede mo itong ma-unlock kahit na hindi mo sinasadya.
  • Posibleng hindi gaanong secure ang Pag-unlock Gamit ang Mukha kumpara sa malakas na PIN, pattern, o password.
  • Ang iyong telepono ay puwedeng ma-unlock ng isang taong kamukha mo, tulad ng iyong kapatid na kamukhang kamukha mo.
  • Puwede ring ma-unlock ng ibang tao ang telepono mo kung itatapat nila ito sa iyong mukha. Itago ang iyong telepono sa ligtas na lugar, tulad ng bulsa sa harap o handbag mo. Para maghanda sa mga hindi ligtas na sitwasyon, alamin kung paano i-on ang lockdown.
  • Kapag hindi sapat ang liwanag o kapag mayroon kang pantakip sa mukha o shades, posibleng hindi gumana ang Pag-unlock Gamit ang Mukha. Inirerekomenda rin naming mag-enroll ka sa Pag-unlock Gamit ang Fingerprint para sa mas mahusay na karanasan sa pag-unlock.

Pixel 7 at mas bago, kasama ang Pixel Fold

Kung mayroon kang Pixel 7 o mas bago, kasama ang Pixel Fold, puwede mong gamitin ang Pag-unlock Gamit ang Mukha para i-unlock ang iyong telepono. Alamin kung paano i-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha sa iyong Pixel phone gamit ang aming tutorial na may sunod-sunod na hakbang.

Alamin kung paano i-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha.

Mahalaga: Sa Pixel 8 at Pixel 8 Pro lang, puwede mo ring gamitin ang Pag-unlock Gamit ang Mukha para i-verify na ikaw ito, tulad ng kapag nag-sign in ka sa mga app o nag-apruba ng pagbili.

I-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha
  1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Seguridad at privacy at pagkatapos ay Lock ng device at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha at Fingerprint.
  3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  4. I-tap ang Pag-unlock Gamit ang Mukha at pagkatapos ay I-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  5. Suriin ang impormasyon sa screen.
  6. I-tap ang Sumasang-ayon ako at pagkatapos ay Magsimula.
  7. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
  8. I-tap ang Tapos na.
Baguhin ang mga setting ng Pag-unlock Gamit ang Mukha o face model

Puwede mong baguhin ang mga setting para sa kung paano gumagana ang Pag-unlock Gamit ang Mukha. Awtomatikong naka-on ang 2 setting na ito:

  • Kailanganing nakadilat ka
  • Laktawan ang lock screen

Para i-off ang mga default na setting na ito:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Seguridad at privacy at pagkatapos ay Lock ng device.
  3. I-tap ang Pag-unlock Gamit ang Mukha at Fingerprint at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  4. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  5. I-tap ang Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  6. Sa “Kapag ginagamit ang Pag-unlock Gamit ang Mukha,” i-off ang setting na gusto mong baguhin.
  7. Para baguhin ang iyong face model, dapat mo munang i-delete ang luma.
Palaging humiling ng pagkumpirma (Pixel 8 at 8 Pro lang)

Puwede kang humiling ng pagkumpirma kapag ginamit mo ang Pag-unlock Gamit ang Mukha para mag-sign in sa mga app o mag-apruba ng pagbabayad.

Kapag naka-on ang Pag-unlock Gamit ang Mukha:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Seguridad at privacy at pagkatapos ay Lock ng device.
  3. I-tap ang Pag-unlock Gamit ang Mukha at Fingerprint at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  4. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  5. I-tap ang Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  6. Sa “Kapag ginagamit ang Pag-unlock Gamit ang Mukha,” i-off ang setting na gusto mong baguhin.
I-disable o i-delete ang Pag-unlock Gamit ang Mukha

Sundin ang mga hakbang 1 hanggang 4, pagkatapos:

  1. I-tap ang I-delete ang face model at pagkatapos ay I-delete.
  2. I-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha
Ayusin ang mga problema sa Pag-unlock Gamit ang Mukha

Nagkakaproblema sa pagkilala ng mukha ko ang Pag-unlock Gamit ang Mukha

  1. Kumpirmahing na-enable mo ang mukha at fingerprint para i-unlock ang iyong device.
    1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
    2. I-tap ang Seguridad at privacy at pagkatapos ay Lock ng device at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha at Fingerprint at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha.
    3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  2. Tiyaking wala ka sa madilim na lugar, gaya ng madilim na kuwarto.
  3. Alisin ang anumang posibleng makatakip sa iyong mukha, gaya ng shades o face mask, at subukan ulit.
  4. Tiyaking ise-set up mo ang Pag-unlock Gamit ang Mukha para sa iyong pinakakaraniwang hitsura. Halimbawa, may make-up o walang make-up, may headscarf o walang headscarf, may salamin sa mata o walang salamin sa mata. Kung lubos na magbabago ang iyong hitsura, puwede mong i-enroll ulit ang iyong mukha.

Masyadong madalas na nati-trigger ang Pag-unlock Gamit ang Mukha

Bilang default, naka-enable ang “I-tap para tingnan ang telepono” at “Iangat para tingnan ang telepono.” Para mabawasan ang posibilidad ng hindi sinasadyang pag-unlock ng iyong telepono, puwede mong i-off ang mga opsyong ito. Kapag naka-off ang mga opsyong ito, dapat mong pindutin ang power button para i-wake ang screen at i-trigger ang Pag-unlock Gamit ang Mukha.

Hindi nagti-trigger ang Pag-unlock Gamit ang Mukha

  1. Kumpirmahing naka-on ang “I-tap para tingnan ang telepono” at “Iangat para tingnan ang telepono.”
  2. I-tap ang screen at tingnan kung may animation (o ring) sa paligid ng camera, na nagsasaad na sina-scan ang mukha.
  3. Kumpirmahing na-on mo ang Pag-unlock Gamit ang Mukha at Fingerprint:
    1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
    2. I-tap ang Seguridad at privacy at pagkatapos ay Lock ng device at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha at Fingerprint at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha.
    3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
    4. Sa "Mga paraan para mag-unlock," nakalagay sa "Pag-unlock Gamit ang Mukha" na Naidagdag ang mukha.
    5. Kumpirmahing naka-on ang I-unlock ang iyong telepono.

Pixel 4

Kung mayroon kang Pixel 4, puwede mong gamitin ang iyong mukha para:
  • I-unlock ang iyong telepono.
  • Magkumpirma ng mga pagbabayad.
  • Mag-sign in sa ilang app.
I-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha
  1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Seguridad At pagkatapos Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  4. Malapit sa ibaba, i-tap ang I-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha At pagkatapos Sumasang-ayon At pagkatapos Simulan.
  5. Pagkasyahin ang iyong mukha sa frame. Dahan-dahang itapat ang iyong ilong sa bawat asul na tile.
  6. I-tap ang Tapos na.
Tip: Kung nagkakaproblema ka sa pag-set up, pumunta sa mga hakbang sa pag-troubleshoot para sa Pag-unlock Gamit ang Mukha.
Baguhin ang mga setting ng Pag-unlock Gamit ang Mukha

Gamitin ang iyong mukha para mag-sign in sa mga app at magkumpirma ng mga pagbabayad

  1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Seguridad And then Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  4. I-on ang Pag-sign in sa app at mga pagbabayad.
Tip: Para maiwasan ang mga aksidenteng pagbili, puwede mong baguhin ang iyong mga setting para kailanganin mong ilagay ang iyong PIN, pattern, o password sa tuwing may bibilhin ka. Sa ilalim ng “Mga Kinakailangan para sa Pag-unlock Gamit ang Mukha,” i-tap ang Palaging humiling ng pagkumpirma.

I-delete ang face data

  1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Seguridad And then Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  4. Malapit sa ibaba, i-tap ang I-delete ang face data And then I-delete.

I-off ang Pag-unlock Gamit ang Mukha

Para i-unlock ang iyong telepono gamit ang PIN, pattern, o password mo nang hindi ginagamit ang Pag-unlock Gamit ang Mukha:
  1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Seguridad And then Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  4. Sa ilalim ng "Gumamit ng Pag-unlock Gamit ang Mukha para sa," i-off ang Pag-unlock sa iyong telepono.

Pagkatapos mong i-off ang "Pag-unlock sa iyong telepono," magagamit mo pa rin ang Pag-unlock Gamit ang Mukha para mag-sign in sa mga app at magbayad. Para ganap na i-off ang Pag-unlock Gamit ang Mukha, i-delete ang iyong face data.

Kailanganing nakadilat ka

Para tiyaking hindi maa-unlock ang iyong telepono kapag nakapikit ka, puwede mong itakda na kailangang nakadilat ka para sa Pag-unlock Gamit ang Mukha.
Kapag naka-on ang Pag-unlock Gamit ang Mukha:
  1. Sa Pixel phone mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Seguridad at pagkatapos ay Pag-unlock Gamit ang Mukha.
  3. Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
  4. Sa ilalim ng “Mga kinakailangan para sa Pag-unlock Gamit ang Mukha,” i-on ang Kailanganing nakadilat ka.
Ayusin ang mga problema sa Pag-unlock Gamit ang Mukha

Nagkakaproblema ako sa pag-set up

  • Kapag sinusubukan mong i-set up ang Pag-unlock Gamit ang Mukha, magsuot ng karaniwang damit sa isang karaniwang lugar kung saan mo ginagamit ang iyong telepono. Halimbawa, kung nagsusuot ka ng salamin o headscarf araw-araw sa iyong trabaho, mag-set up nang suot ang mga iyon sa trabaho.
  • Kung hindi mo magalaw nang maayos ang iyong ulo, puwede ka pa ring mag-set up nang may limitadong mobility. Simulan ang pag-set up ng Pag-unlock Gamit ang Mukha, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-set up para sa limitadong paningin o paggalaw ng ulo.
  • Tiyaking nasa ilalim ka ng sapat na liwanag.

Nagkakaproblema ako sa Pag-unlock Gamit ang Mukha

Kung minsan, para sa karagdagang seguridad, hindi mag-a-unlock ang telepono mo gamit ang iyong mukha. Puwede mo pa ring i-unlock ang iyong telepono: 
  • Habang naka-lock ang iyong telepono, mag-swipe pataas.
  • Ilagay ang iyong PIN, pattern, o password.
Kung regular na nagkakaproblema ang telepono mo sa Pag-unlock Gamit ang Mukha:
  • Kung may suot kang pantakip sa mukha, tulad ng mask o madilim na shades, alisin ang mga ito.
  • Kung nasa madilim na kapaligiran ka, lumipat sa iba pang lugar na may sapat na liwanag.
  • Kung nasa lugar ka na maliwanag at direktang tinatamaan ng sikat ng araw, lumipat sa lilim.
  • Hawakan nang patayo ang telepono mo, at itapat ito sa iyong mukha sa layong humigit-kumulang 40 cm.
  • Gumamit ng malambot at tuyong tela para punasan ang itaas ng iyong screen.
  • Kung babaguhin mo ang iyong hitsura, i-delete ang face data mo at i-set up ulit ang Pag-unlock Gamit ang Mukha.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18296411969044336951
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false