Alamin kung anong musika ang tumutugtog malapit sa iyo

Para matuto pa tungkol sa musikang naririnig mo sa iyong paligid, puwede mong itakda ang iyong Pixel phone na awtomatikong tumukoy ng kanta.

  • Gamit ang feature na Nagpi-play Ngayon, makakatanggap ka ng impormasyon tungkol sa mga kantang tumutugtog sa malapit. Puwede ka ring makatanggap ng listahan ng mga kantang na-play mo at ibahagi, hanapin, o pakinggan ang mga iyon.
  • Makakakita ka ng mga notification kahit naka-lock man ang iyong telepono o hindi.

Mahalaga:

Paano ako awtomatikong makakatanggap ng impormasyon ng kanta?

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Tunog at pag-vibrate at pagkatapos ay Nagpi-play Ngayon.
  3. I-on ang Tukuyin ang mga kantang tumutugtog sa malapit.
    • Tiyaking na-charge at nakakonekta sa Wi-Fi ang iyong telepono.
  4. Maghintay nang ilang minuto habang dina-download ng iyong telepono ang database ng kanta.
  5. Pagkatapos ng pag-download, awtomatikong tutukuyin ng iyong telepono ang mga kantang nagpi-play sa paligid mo at ipapakita nito ang mga ito sa iyong lock screen.
  6. Para matuto pa tungkol sa isang kanta:
    • Sa iyong lock screen, i-tap ang pangalan at artist ng ipinapakitang kanta.
    • Kung ginagamit mo ang iyong telepono, i-expand ang mga notification sa itaas, pagkatapos ay i-tap ang notification ng kanta.

Paano ko gagamitin ang Nagpi-play Ngayon para maghanap ng mga kantang narinig ko kamakailan?

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Tunog at pag-vibrate at pagkatapos ay Nagpi-play Ngayon.
  3. I-tap ang History ng Nagpi-play Ngayon.
  4. Makakatanggap ka ng listahan ng mga kantang natukoy kamakailan ng Nagpi-play Ngayon.
  5. Para magbahagi ng kanta o pakinggan ito sa isang app ng musika, i-tap ang kanta. Sa Pixel 3 at mas bago, kabilang ang Fold, puwede ka ring pumili ng maraming kanta para:
    • Pakinggan sa serbisyo ng musika
    • Ibahagi
    • I-delete sa iyong listahan

Paano ako makakakuha ng mas marami pang musika?

Mahalaga: Available lang ang feature na ito para sa Pixel 4 at mas bago.

Awtomatikong makakatukoy ang iyong telepono ng maraming musika. Kung may mga track na wala sa database nito, puwede mong manual na hanapin ang mga ito sa Google sa pamamagitan ng paghahanap ng musika.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Tunog at vibration at pagkatapos ay Nagpi-play ngayon.
  3. I-on ang Ipakita ang button sa paghahanap sa lock screen.
  4. Kung hindi matukoy ng iyong telepono ang isang kanta, puwede mo itong hanapin. Para maghanap ng isang kanta, sa iyong lock screen, i-tap ang paghahanap ng musika .

Paano ko magagawang Paborito ang isang kanta?

Mahalaga: Available ang feature na ito para sa Pixel 3a at mas bago, kasama ang Fold.

Puwede kang magdagdag ng kanta na nagpe-play sa malapit sa iyong listahan ng mga paborito sa Nagpi-play Ngayon mula mismo sa lock screen mo.

Mula sa iyong lock screen, i-tap ang nota ng musika sa tabi ng pamagat ng kanta. Pagkatapos, may idaragdag na puso sa nota ng musika. Para alisin ang kanta sa mga paborito, i-tap ulit ang nota ng musika.

Para suriin ang iyong mga paboritong kanta:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Tunog at pag-vibrate at pagkatapos ay Nagpi-play Ngayon.
  3. I-tap ang history ng Nagpi-play Ngayon at pagkatapos ay Mga Paborito.
  4. Para mag-alis ng kanta sa listahan ng mga paborito, i-tap ang puso red heart icon.

Paano ko mababago kung saan lumalabas ang mga notification?

Kung ayaw mong makakuha ng mga notification ng kanta sa itaas ng iyong screen, puwede mong i-off ang mga ito.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Tunog at pag-vibrate at pagkatapos ay Nagpi-play Ngayon at pagkatapos ay Mga Notification.
  3. I-off ang Mga Notification sa Natukoy na Musika. Makikita pa rin sa iyong lock screen ang impormasyon ng kanta.

Paano gumagana ang Nagpi-play Ngayon?

Sa lahat ng Pixel phone

Kapag may tumutugtog na musika sa malapit, ikinukumpara ng iyong telepono ang ilang segundo ng musika sa nasa device na library nito para subukang tukuyin ang kanta. Nangyayari ang pagprosesong ito sa iyong telepono at pribado ito sa iyo.

Para mas mahusay na makatukoy ng mga kanta, nangongolekta ang Nagpi-play Ngayon ng ilang impormasyon, tulad ng porsyento ng mga pagkakataong wastong tumukoy ng musika ang Nagpi-play Ngayon. Kinokolekta lang ng Nagpi-play Ngayon ang impormasyong ito kung nagbahagi ka ng paggamit at diagnostics sa Google. Alamin kung paano i-update ang iyong mga setting ng paggamit at diagnostic.

Sa Pixel 4 at mas bago (kasama ang Fold) gamit ang federated analytics
Sa mga Pixel 4 at mas bagong telepono, pinagsasama-sama ang paggamit ng feature at bilang ng mga natukoy na kanta sa pamamagitan ng teknolohiyang nagpapanatili ng privacy na tinatawag na federated analytics. Gagamitin ito para pahusayin ang feature na Nagpi-play Ngayon at ang database ng kanta nito para mas madalas nitong matukoy kung ano ang tumutugtog. Hindi kailanman makikita ng Google ang mga kantang pinapakinggan mo, makikita lang nito ang mga pinakasikat na kanta sa iba't ibang rehiyon. Matuto pa tungkol sa federated technology.
Kung nagbahagi ka ng paggamit at diagnostics sa Google, ibinabahagi sa Google ang mga bilang ng mga natukoy na kanta. Alamin kung paano i-update ang iyong mga setting ng paggamit at diagnostic.
Kung io-on mo ang “Ipakita ang button sa paghahanap sa lock screen,” sa tuwing magta-tap ka para maghanap, nakakatanggap ang Google ng maikling digital na audio fingerprint para tukuyin kung ano ang tumutogtog.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
817780869576081531
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false