Kumuha ng SIM at idagdag ito sa iyong Pixel phone

Puwede mong ikonekta ang iyong telepono sa isang mobile network na may aktibong nano SIM card o eSIM. Kung wala nito, makakakita ka ng mensaheng “Walang SIM card.” 

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 11 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Mahalaga: Hindi sinusuportahan sa Pixel 8 at mga mas bagong telepono ang ilang mas lumang SIM card. Kung maglalagay ka ng hindi sinusuportahang SIM, makakatanggap ka ng mensaheng nagsasabing “Hindi na sinusuportahan ang SIM na ito. Makipag-ugnayan sa iyong carrier para makakuha ng bagong SIM.”

Kumuha ng SIM card

Puwedeng gumamit ng mga nano SIM card sa lahat ng Pixel phone. Puwede ring gumamit ng eSIM sa ilang Pixel phone.

Kung bibili ka ng Pixel phone sa Google Store:

  • Sa US, puwede mong piliin ang walang SIM card o may nakalagay nang Verizon SIM card. Kung Verizon ang iyong mobile carrier, i-activate ang SIM card mo sa kanilang site.
  • Sa iba pang bansa, walang kasamang SIM card ang iyong telepono.

Gumamit ng nano SIM card

  • Para makakuha ng nano SIM card, makipag-ugnayan sa iyong service provider sa mobile. Kung hihingin sa iyo ang numero ng IMEI ng telepono mo, alamin kung saan makikita ang iyong numero ng IMEI.
  • Sa halip na bumili ng bago, puwede mong ilipat sa iyong telepono ang nano SIM card ng kasalukuyan mong telepono.

Gumamit ng eSIM

Puwedeng gumamit ng eSIM ang ilang telepono, depende sa telepono at mobile carrier. Para sa mga detalye, makipag-ugnayan sa iyong carrier.

  • Pixel 4 at mas bago: Gumagana ang lahat ng telepono sa eSIM.
  • Pixel 3a: Hindi gumagana sa eSIM ang mga biniling teleponong may serbisyo ng Verizon o binili sa Japan.
  • Pixel 3: Hindi gumagana sa eSIM ang mga biniling teleponong may serbisyo mula sa anumang US o Canadian carrier maliban sa Sprint at Google Fi. Hindi rin gumagana sa eSIM ang mga teleponong binili sa Australia, Taiwan, at Japan.
  • Pixel 2: Mga biniling teleponong may serbisyo ng Google Fi lang ang gumagana sa eSIM.
  • Pixel (2016): Walang teleponong gumagana sa eSIM.

Maglagay ng SIM card

Habang naka-off ang iyong telepono:

  1. Sa maliit na butas sa kaliwang gilid ng telepono, ipasok ang tool sa pag-aalis ng SIM.
    Tip: Sa Pixel 3 (2018), ang slot ng SIM card ay nasa gilid sa ibaba ng telepono.
  2. Itulak nang madiin pero dahan-dahan hanggang sa lumabas ang tray.
  3. Alisin ang tray at ilagay ang nano SIM card sa tray.
  4. Dahan-dahang itulak ang tray pabalik sa slot nito.

Posibleng kailanganin mong i-restart ang iyong telepono para magkaroon ng serbisyo sa mobile. Para i-restart ang teleponong naka-on, pindutin ang power button sa loob ng humigit-kumulang 3 segundo. Pagkatapos ay i-tap ang I-restart I-restart.

Ilagay ang SIM card

Hanapin ang mga identification number ng iyong telepono

Kapag nakipag-usap ka sa iyong carrier, baka kailangan mong magbigay ng mga numero ng ID ng Pixel gaya ng numero ng IMEI 1, IMEI 2, o EID. Alamin kung paano hanapin ang mga numero ng ID ng iyong Pixel phone.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14812783508159142300
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false