Magdagdag at mag-alis ng mga certificate

Kung kailangan ng isang app o network na gusto mong gamitin ng certificate na wala ka, puwede mong manual na i-install ang certificate na iyon.

Ang mga digital na certificate ay nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga computer, telepono, app, at iba pang device para sa seguridad. Tulad lang ng paggamit mo sa iyong lisensya sa pagmamaneho para maipakitang puwede kang magmaneho nang legal, nagbibigay ang digital na certificate ng pagkakakilanlan sa iyong device at kinukumpirma nitong puwede dapat i-access nito ang isang bagay.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Mag-install ng certificate

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Seguridad at privacy At pagkatapos Higit pang setting ng seguridad at pagkatapos ay Pag-encrypt at mga kredensyal.
  3. I-tap ang Mag-install ng certificate At pagkatapos Certificate ng Wi-Fi.
  4. I-tap ang Menu Menu.
  5. I-tap kung saan mo na-save ang certificate.
  6. I-tap ang file.
    • Kung kailangan, ilagay ang password ng key store. I-tap ang OK.
  7. Maglagay ng pangalan para sa certificate.
  8. I-tap ang OK.

Tip: Kung hindi ka pa nakakapagtakda ng PIN, pattern, o password para sa device mo, hihilingin sa iyong mag-set up nito.

Mag-alis ng mga custom na certificate

Mahalaga: Kapag inalis mo ang mga na-install mong certificate, hindi maaalis ang mga permanenteng certificate ng system na kailangan ng iyong device para gumana ito. Pero kung mag-aalis ka ng certificate na kinakailangan ng isang partikular na koneksyon sa Wi-Fi, posibleng hindi na kumonekta sa Wi-Fi network na iyon ang iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Seguridad at privacy At pagkatapos Higit pang setting ng seguridad at pagkatapos ay Pag-encrypt at mga kredensyal.
  3. Sa ilalim ng "Storage ng kredensyal":

    • Para i-clear ang lahat ng certificate: I-tap ang I-clear ang mga kredensyal At pagkatapos OK.
    • Para mag-clear ng mga partikular na certificate: I-tap ang Mga kredensyal ng user At pagkatapos Piliin ang mga kredensyal na gusto mong alisin.

Gumamit ng WPA-Enterprise Wi-Fi

Mahalaga: Kung mayroon kang anumang kulang na impormasyon, baka hindi ka makakonekta sa iyong network.

Puwede kang gumamit ng configuration ng WPA/WPA2/WPA3-Enterprise para sa karagdagang seguridad. Para kumonekta sa WPA/WPA2/WPA3-Enterprise network:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Network at internet At pagkatapos Internet At pagkatapos Magdagdag ng network Add.
  3. Ilagay ang impormasyon ng network na ibinigay ng administrator ng iyong network.

 Mga pagbabago at pag-aayos sa “Huwag i-validate”

Mahalaga: Inalis ang opsyon sa setting na “Huwag i-validate” na ginagamit sa mga configuration ng EAP-PEAP, EAP-TLS, at EAP-TTLS para sa seguridad. Inalis ito sa release ng update ng feature ng Android 11.

Hindi mahanap ang opsyong “Huwag i-validate”
Isa ka mang indibidwal o bahagi ng isang institusyon, makakagamit ka ng setting ng WPA/WPA2/WPA3-Enterprise.
Tip: Kailangan kang bigyan ng partikular na impormasyon ng mga administrator ng network bago ka makakonekta sa isang WPA/WPA2/WPA3-Enterprise network.
Ayusin ang mga na-save nang network setting
Mahalaga: Kung mayroon kang anumang kulang na impormasyon, baka hindi mo ma-reconfigure ang iyong network.

Hindi maaapektuhan ang mga naka-save na configuration ng Enterprise na naka-set up para i-off ang pag-validate ng certificate ng server. Pero hindi ka makakagawa ng mga bago o makakapag-edit ng mga naka-save na setting.

Para gawing mas secure ang iyong network, ayusin ang mga configuration na hindi masyadong secure.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5587348557531150723
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false