I-encrypt ang iyong data

Sino-store ng pag-encrypt ang iyong data sa isang anyong mababasa lang kapag naka-unlock ang iyong telepono o tablet. Made-decrypt ang iyong data kapag na-unlock ang iyong naka-encrypt na device. Puwedeng makadagdag ng proteksyon ang pag-encrypt kung sakaling manakaw ang iyong device.

  • Ine-encrypt bilang default ang lahat ng Pixel phone. Gayundin ang mga Nexus 5X, Nexus 6P, Nexus 6, at Nexus 9 device.
  • Puwede mong piliing i-encrypt ang mga Nexus 4, Nexus 5, Nexus 7, at Nexus 10 device.

Para makuha ang pinakamahusay na proteksyon para sa iyong data sa isang naka-encrypt na device, palaging kailanganin ang iyong PIN, pattern, o password para i-unlock ang device mo kapag pinagana ito. Alamin kung paano magtakda ng lock ng screen.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 8.0 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Alamin kung anong data ang nae-encrypt

Sa isang naka-encrypt na device, ine-encrypt ang lahat ng iyong personal na data. Kasama rito ang mga bagay gaya ng iyong email, mga text, mga contact, data ng Google Account, data ng app, mga larawan, media, at mga download. Ang ilang hindi personal na data, tulad ng mga laki ng file, ay hindi ine-encrypt.

I-decrypt ang iyong data gamit ang mga feature ng pagiging naa-access

Para matulungan kang ilagay ang iyong PIN, pattern, o password para i-decrypt ang iyong Pixel phone sa start-up, puwede mong gamitin ang TalkBack, Switch Access, at iba pang na-update na serbisyo ng pagiging accessible. Hindi magagamit ng mga Pixel phone ang mga device ng pagiging accessible na nakapares sa Bluetooth hanggang sa matapos ka sa pag-decrypt.

Sa mga naka-encrypt na Nexus phone at tablet, kung pipiliin mong kailanganin ang iyong PIN, pattern, o password sa start-up, kakailanganin mong ilagay ito nang walang tulong mula sa mga serbisyo ng pagiging accessible o mga device ng pagiging accessible na nakapares sa Bluetooth.

Mag-encrypt ng mga Nexus 4, Nexus 5, Nexus 7, o Nexus 10 device

Hindi tulad ng lahat ng Pixel phone at mga kamakailang Nexus device, hindi ine-encrypt bilang default ang mga Nexus 4, Nexus 5, Nexus 7, at Nexus 10 device. Para mag-encrypt ng Nexus device na hindi pa naka-encrypt:

Ihanda ang iyong Nexus device

Puwedeng tumagal ng isang oras o higit pa ang pag-encrypt ng iyong Nexus device at puwedeng mag-restart nang ilang beses ang iyong device. Kung maaantala ang proseso, baka mawala ang impormasyon sa iyong device. Inirerekomenda namin ang mga hakbang na ito bago ka magsimula:

  1. Mag-iskedyul ng isang oras o higit pa.
  2. Isaksak ang iyong device para mag-charge.
  3. Alamin kung aling bersyon ng Android ang ginagamit ng iyong device. Alamin kung paano tingnan.
I-encrypt ang iyong Nexus device na gumagamit ng Android 5.0—6.0
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Seguridad o Seguridad at Lokasyon At pagkatapos Lock ng screen.
  3. Para pumili ng iyong lock ng screen, i-tap angPattern, PIN, o Password.
  4. Hihilingin sa iyo na "protektahan nang higit pa ang device na ito" sa pamamagitan ng paghiling sa iyong PIN, pattern o password kapag nagsimula ang iyong device. Sa unang beses na pipiliin mo ang setting na ito, ie-encrypt nito ang iyong device.
    1. Piliin ang Hilinging simulan ang device.
    2. I-tap ang Magpatuloy.
  5. Itakda ang iyong PIN, pattern, o password. Sundin ang mga hakbang sa screen.

Mapipili mo kung kakailanganin o hindi ang iyong PIN, pattern, o password kapag pinagana ang device mo. Alamin kung paano magtakda ng lock ng screen. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng pagiging accessible tulad ng TalkBack o ng isang device ng pagiging accessible na nakapares sa Bluetooth, tandaan na kailangan mong ilagay ang iyong impormasyon sa start-up nang walang tulong mula sa serbisyo o device mo.

I-encrypt ang iyong device na gumagamit ng Android 4.4 o mas luma
  1. Kung hindi mo pa nagagawa, magtakda ng PIN, pattern, o password sa lock screen. Alamin kung paano.
  2. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  3. I-tap ang Seguridad at Lokasyon.
  4. Sa ilalim ng "Pag-encrypt," i-tap ang I-encrypt ang telepono o I-encrypt ang tablet. (Kung walang charge ang baterya mo o hindi nakasaksak sa outlet ang iyong device, hindi mo mata-tap ang opsyong ito.)
  5. Basahin nang mabuti ang impormasyong ipinapakita. Mahalagang malaman na:
    • Pagkatapos mag-encrypt, mao-off mo lang ang pag-encrypt sa pamamagitan ng pag-reset ng factory data, na magbubura sa lahat ng iyong data.
    • Kung gumagamit ka ng serbisyo sa pagiging naa-access tulad ng TalkBack o ng isang device ng pagiging naa-access na nakapares sa Bluetooth, kakailanganin mo palaging ilagay ang iyong PIN, pattern o password sa simula nang walang tulong ng iyong serbisyo o device.
    • Kung magbago ang isip mo tungkol sa pag-encrypt ng iyong device, puwede mong i-tap ang Bumalik Bumalik.
  6. I-tap ang I-encrypt ang telepono o I-encrypt ang tablet.
  7. Ilagay ang PIN, pattern, o password ng iyong lock screen. I-tap ang Magpatuloy.
  8. I-tap ulit ang I-encrypt ang telepono o I-encrypt ang tablet.

Pagkatapos mag-encrypt, kakailanganin mo palaging ilagay ang iyong PIN, pattern, o password kapag papaganahin ang iyong device.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
320816538819647755
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false