Maghanap at mag-delete ng mga file sa Google Pixel phone

Karaniwan mong makikita ang iyong mga na-download na file sa Files app sa Pixel phone mo.

Mahalaga:

Maghanap at magbukas ng mga file sa Pixel phone

  1. Buksan ang Files app ng iyong device. Alamin kung saan mahahanap ang iyong mga app.
  2. Lalabas ang iyong mga kategorya ng file.
  3. Para magbukod-bukod ayon sa pangalan, petsa, o laki, mag-tap ng kategorya ng file at pagkatapos ay Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Pagbukud-bukurin ayon sa.
  4. Para magbukas ng file, i-tap ito.

Mag-delete ng mga file sa iyong Pixel phone

  1. Buksan ang Files app ng iyong device.
  2. Mag-tap ng kategorya at pagkatapos ay file.
  3. I-tap ang I-delete I-delete At pagkatapos Ilipat ang 1 file sa Trash.

Magbahagi, mag-print, mag-save sa Drive, at higit pa

Ibahagi ang mga file mo mula sa iyong Pixel phone

  1. Pindutin nang matagal ang file.
  2. I-tap ang Ibahagi Ibahagi.

Gumawa ng iba pang pagkilos, tulad ng pag-print o pagdaragdag sa Google Drive

  1. Para magbukas ng file, i-tap ito.
  2. Maghanap ng mga opsyon. Kung kinakailangan, i-tap ang Higit pa Higit pa.

Maghanap ng musika, mga pelikula, at iba pang content

Puwede kang mag-download ng mga file tulad ng musika, mga pelikula, o mga aklat sa iba't ibang app. Para mahanap ang content na iyon, pumunta sa app kung saan mo ito na-download. Halimbawa, alamin kung paano maghanap ng mga video na na-download sa Google Play Movies & TV app.

Maglipat ng mga file sa computer

Kapag ikinonekta mo ang iyong telepono sa computer sa pamamagitan ng USB cable, buksan ang folder na "Downloads" ng computer para makita ang mga file na nasa device mo. Alamin kung paano maglipat ng mga file sa pagitan ng iyong computer at ng telepono mo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12049258526764348258
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false