Circle to Search sa iyong Pixel phone o tablet

Mahalaga: Kasalukuyang available ang feature na ito para sa Pixel 6 at mas bago kasama ang Pixel Fold at Pixel Tablet.

Puwede mong hanapin ang anumang makikita mo sa iyong Pixel phone o tablet gamit ang Google nang hindi kinakailangang lumipat sa ibang app.

Available sa Android ang feature na Circle to Search:

  • Nagbibigay ng madaling access sa Search.
  • Nagbibigay-daan sa iyo na maghanap ng kahit anong nasa screen mo gamit ang isang galaw, tulad ng pagbilog, pag-tap, pag-scribble, o pag-highlight.

Tip: Hindi gumagana ang feature na ito sa ilang partikular na app, tulad ng mga banking app at iba pang kumpidensyal na app.

Maghanap ng content gamit ang Circle to Search

Para maghanap nang hindi kinakailangang lumipat ng app:

  1. Simulan ang Circle to Search:
    1. Sa 3-button na navigation mode, pindutin nang matagal ang button ng Home.
    2. Sa Navigation gamit ang galaw, pindutin nang matagal ang navigation bar.
  2. Lalabas ang Google Search bar at gradient.
  3. Bilugan, i-highlight, i-scribble, o i-tap ang bahagi ng larawan o text na gusto mong hanapin.
  4. Para maging mas tumpak, gamitin ang dalawang daliri mo para mag-zoom o gumalaw sa iyong screen bago ka magbilog.
  5. Kapag tapos ka na at gusto mong bumalik sa iyong orihinal na konteksto ng app, mag-swipe pababa, gamitin ang galaw sa pagbalik, o i-tap ang X sa kaliwang bahagi sa itaas.

Mga Tip:

  • Para i-adjust ang iyong pinili, i-drag ang mga border ng pinili o ang buong pinili.
  • Para makipag-interact sa content na natatakpan ng Search Bar, mag-pan gamit ang dalawang daliri para ilipat ang window o i-drag ang Search Bar papunta sa itaas o ibaba ng screen.
  • Para isalin kaagad ang iyong buong screen, sa tabi ng search bar, i-tap ang button na isalin.

I-off ang Circle to Search

Sa 3-button na navigation mode:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device Mga Setting.
  2. Hanapin ang Circle to Search.
  3. I-tap ang Circle to Search.
  4. I-off ang Circle to Search.

Sa mode na Navigation gamit ang galaw:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong deviceMga Setting.
  2. Hanapin ang Circle to Search.
  3. I-tap ang Circle to Search.
  4. I-off ang Circle to Search.

I-troubleshoot ang error na "Hindi available ang paghahanap sa screen"

Para magamit ang Circle to Search, siguraduhing tama ang iyong mga setting ng pahintulot:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device Mga Setting.
  2. Hanapin ang Digital assistant app.
  3. I-tap ang App ng digital na assistant.
  4. Siguraduhing:
    • Nakatakda sa Google ang default na app ng digital na assistant.
    • Naka-on ang “Gamitin ang screenshot.”

Iba pang advanced na feature

  • Puwede kang gumamit ng multisearch para mas pinuhin pa ang iyong query. Bilugan, i-highlight, i-scribble, o i-tap lang ang isang larawan at pagkatapos ay i-type ang karagdagan mong query sa search bar, kung saan lumalabas ang text na “Idagdag sa iyong paghahanap.” Matuto pa tungkol sa multisearch.
  • Puwede kang makakuha ng Mga AI na Overview sa Circle to Search batay sa iyong mga query na text o multisearch.
    • Kung nasa United States ka:
      • Available bilang default ang Mga AI na Overview sa mga query na multisearch.
      • Para i-enable ang Mga AI na Overview para sa mga query na text, kailangan mong mag-opt in sa "Mga AI na Overview at higit pa" sa Search Labs. Matuto pa tungkol sa "Mga AI na Overview at higit pa."
    • Kung wala ka sa United States:

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18118086150865268188
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false