Mag-upgrade sa mga passkey para sa iyong Pixel phone o tablet

Mas madali at mas secure na alternatibo sa mga password ang mga passkey. Hindi mo kailangang mamahala ng maraming password. Sa halip, puwede kang mag-sign in sa mga app o website gamit ang iyong device na parang nag-a-unlock ka sa pamamagitan ng PIN, pattern, password, o biometrics. Matuto pa tungkol sa mga passkey.

Google passkeys | Simplifying sign-ins across the web

Maghanap ng mga kwalipikadong account at mag-set up ng mga passkey

Hindi lahat ng website, account, o app ay may suporta para sa mga passkey. Para maghanap ng mga password ng account na puwede mong i-upgrade para maging mga passkey, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Mga password at account.
  3. Sa ilalim ng Mga password, passkey, at serbisyo ng data, i-tap ang Google at pagkatapos ay Google Password Manager.
  4. Kung available ang mga oportunidad sa pag-upgrade ng passkey, ipapakita ang prompt na "Pasimplehin ang iyong pag-sign in."
    • I-tap ang prompt para maghanap ng mga kwalipikadong account.
  5. Pumili ng account na sumusuporta sa mga passkey mula sa listahan.
  6. Mag-sign in kung kinakailangan. Pagkatapos, para gawin ang passkey, sundin ang mga tagubilin ng app o site.
  7. Kapag na-prompt, gamitin ang iyong lock ng screen, pagkatapos ay ilagay ang PIN, pattern, password, o biometrics mo.

Tip:

  • Puwede mo ring tingnan kung may mga pagkakataon sa pag-upgrade ng passkey sa pamamagitan ng pagbukas sa Google Password Manager at pag-tap sa Password Checkup.
  • Kung hindi sinusuportahan ng isang third-party app o website ang mga passkey, hindi ito lalabas sa listahan ng mga rekomendasyon sa mga passkey.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13810705829571856084
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false