Gumawa o mag-customize ng mga wallpaper (Pixel 6 at mas bago, kasama ang Fold)

Mahalaga: Kapag naka-on ang pantipid ng baterya, didilim ang wallpaper.

Sa pamamagitan ng mga bagong feature sa iyong Pixel phone, magagamit mo ang pagiging malikhain mo para i-personalize ang iyong experience. Puwede kang magdagdag ng mga 3D effect at motion graphics sa iyong telepono para gumawa ng mga natatanging wallpaper. Puwede ka ring gumawa ng mga custom na wallpaper gamit ang Emoji Workshop.

Alamin kung paano gumawa ng mga custom na wallpaper sa iyong Pixel Fold gamit ang aming tutorial na may sunod-sunod na hakbang.

Magdagdag ng mga special effect sa mga larawang wallpaper (Pixel 6 at mas bago, kasama ang Fold)
  1. Sa Home screen ng iyong telepono, pumindot nang matagal sa bakanteng espasyo.
  2. I-tap ang Wallpaper at pagkatapos ay Mga larawan ko.
  3. Pumili ng larawan.
  4. I-tap ang Mga Effect .
  5. I-on ang Gumawa ng Cinematic wallpaper.
  6. Para i-preview ang iyong wallpaper, i-tap ang Home screen at pagkatapos ay Lock screen.
  7. Para pumili ng lokasyon ng wallpaper, i-tap ang Home screen, Lock screen, o Home screen at lock screen.
Gumawa ng mga custom na wallpaper gamit ang Emoji Workshop (Pixel 4a at mas bago, kasama ang Fold)

Puwede kang gumawa ng mga wallpaper at piliin ang mga emoji, pattern, at kulay ng background na gusto mo. Puwedeng i-save ang mga custom na wallpaper na emoji na ito.

1. Pumili ng emoji

Puwede mong piliin ang iyong emoji o puwede kang kumuha ng mga random na emoji.

  1. Sa Home screen ng iyong telepono, pumindot nang matagal sa bakanteng espasyo.
  2. I-tap ang Wallpaper at style at pagkatapos ay Palitan ang wallpaper at pagkatapos ay Emoji Workshop.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-edit ang Emoji at pagkatapos ay Tapos na .
  4. Piliin ang iyong emoji.
    • Para sa partikular na emoji: Pumili sa keyboard. Puwede kang pumili ng hanggang 14 na emoji para pagandahin ang iyong wallpaper.
    • Para sa mga random na emoji: I-tap ang I-randomize.

2. Pumili ng pattern at laki

Pagkatapos mong pumili ng wallpaper na emoji, puwede mong i-adjust ang pattern ng iyong mga emoji.

  1. Sa panel sa ibaba, i-tap ang Mga Pattern.
  2. Pumili ng istilo ng pattern.
  3. Para baguhin ang laki ng emoji sa pattern, gamitin ang slider.

3. Pumili ng kulay.

  1. Sa panel sa ibaba, i-tap ang Mga Kulay.
  2. Pumili ng kulay ng wallpaper.

4. I-preview at itakda ang wallpaper

  1. Para i-preview ang iyong wallpaper na emoji, i-tap ang Lock screen at pagkatapos ay Home screen.
  2. Kapag mukhang maayos na ang iyong preview, i-tap ang Itakda ang wallpaper.
  3. Para pumili ng lokasyon ng wallpaper, i-tap ang Home screen o Home screen at lock screen.
Gumawa ng mga AI wallpaper (Pixel 8 at Pixel 8 Pro)

Mahalaga: Posibleng hindi maging available ang mga AI wallpaper para sa ilang partikular na uri ng account, gaya ng mga Family Link account.

Puwede kang gumamit ng generative AI para gumawa ng mga custom at natatanging wallpaper batay sa sarili mong mga prompt. Magagawa mong:

  • I-access ang bagong wallpaper sa pamamagitan ng mga kasalukuyang opsyon sa wallpaper.
  • Punan ang mga blangko para gumawa ng prompt sa nakasulat nang template.
  • Pumili ng iba't ibang opsyon para i-fine tune ang pinal na resulta.
  • I-save ang mga ginawang wallpaper para magamit ulit sa ibang pagkakataon.

Para bumuo ng AI wallpaper:

  1. Sa Home screen ng iyong telepono, mag-tap at mag-hold sa bakanteng espasyo.
  2. I-tap ang Wallpaper at style at pagkatapos ay Higit pang wallpaper at pagkatapos ay AI wallpaper.
  3. Pumili ng tema para gawin ang iyong wallpaper na binuo ng AI.
  4. I-tap ang I-inspire ako para makakuha ng random na wallpaper para sa pinili mong prompt.
  5. Mag-tap sa anumang nakasalungguhit na salita sa prompt para i-explore ang mga partikular na opsyon.
  6. Para bumuo ng wallpaper, i-tap ang Gumawa ng wallpaper.
  7. Pumili sa pagitan ng ilang wallpaper na binuo ng AI sa pamamagitan ng pag-swipe pakaliwa o pakanan.
  8. Para itakda ang wallpaper, i-tap ang Tapos na at piliin ang Lock screen o Home screen at pagkatapos ay Itakda ang wallpaper.

Tip: Kapag nagamit na, mase-save ang wallpaper para magamit mo ulit ito sa ibang pagkakataon.

Baguhin ang istilo ng orasan gamit ang pinakabagong bersyon ng Android
  1. Sa Home screen ng iyong telepono, pumindot nang matagal sa bakanteng espasyo.
  2. I-tap ang Wallpaper at style at pagkatapos ay Lock screen.
  3. Sa itaas ng caption na “Mga Setting Kulay at laki ng orasan,” mag-swipe pakaliwa o pakanan para makita ang mga opsyon sa istilo.
  4. I-tap ang Kulay at piliin ang kulay na gusto mo.
    Tip: Para gawing mas maliwanag o madilim ang kulay, gamitin ang slider.
  5. I-tap ang Laki at piliin ang laking gusto mo.
    • Dynamic: Nagbabago ang laki ng orasan ayon sa content ng lock screen
    • Maliit
  6. Para i-save ang iyong mga pagbabago sa istilo, i-tap ang pakaliwang arrow Bumalik.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5614478379778463855
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false