Android System Intelligence

Ang Android System Intelligence ay bahagi ng system sa Private Compute Core na nagpapagana ng mga intelligent feature sa Android habang pinapanatiling pribado ang iyong data.

Matuto pa tungkol sa Android System Intelligence

Nag-aalok ang Android System Intelligence ng mga feature tulad ng:

  • Instant Caption: Mga awtomatikong caption para sa media.
  • Atensyon sa Screen: Hindi mag-o-off ang screen mo habang nakatingin ka rito.
  • Smart na Pag-autorotate: Tinutukoy ang oryentasyon ng telepono mo sa paghawak mo rito.
  • Pinahusay na pagkopya at pag-paste: Pinapadaling maglipat ng text mula sa isang app papunta sa isa pa.
  • Mga hula sa app sa launcher: Nagmumungkahi ng app na baka sunod mong kakailanganin.
  • Pamamahala ng notification: Nagdaragdag ng mga action button sa mga notification. Halimbawa, ang mga action button ay puwedeng magdagdag ng mga direksyon sa isang lugar, makatulong sa iyong sumubaybay ng package, o magdagdag ng contact.
  • Smart na Pagpili ng Text sa buong system: Pinapadaling pumili at magsagawa ng pagkilos sa text. Halimbawa, sa isang address, puwede kang pumindot nang matagal para piliin ito o i-tap ito para tumingin ng mga direksyon.
  • Gawing link ang text: Ginagawang link ang text sa mga app.
  • Instant Translation: Nagta-translate ng mga live na pag-uusap sa text at video.
  • Paghahanap ng App: Maghanap ng partikular na app.
  • Voice Typing ng Assistant: Mag-dictate ng text sa pamamagitan ng iyong boses gamit ang voice typing ng Assistant sa Gboard.
  • Nagpi-play Ngayon: Pagtukoy ng musika sa paligid mo.
  • Boarding pass sa pamamagitan ng screenshot: Puwede kang magdagdag ng boarding pass sa Google Pay sa pamamagitan ng screenshot.

Tip: May ilang partikular na feature na posibleng sa ilang device lang available.

Gumagamit ang Android System Intelligence ng mga pahintulot sa system para magbigay ng mga smart na hula. Halimbawa, kung may pahintulot itong suriin ang mga contact mo, makakapagpakita ito sa iyo ng mga mungkahi para tawagan ang isang madalas makaugnayang contact. 

Private Compute Services

Ang mga serbisyo tulad ng Android System Intelligence ay mga feature ng machine learning na walang direktang access sa network. Para tumulong na makatanggap ang Android System Intelligence ng mga update para sa pagpapahusay, nagbibigay ang Private Compute Services ng secure na koneksyon sa cloud.

Mga paghahayag ng data

Para gumana, nagkokolekta ang Android System Intelligence at Private Compute Services ng mga log ng pag-crash, diagnostic, at identifier ng device. Kinokolekta ang data na ito para sa layunin ng analytics ng application. Halimbawa, ginagamit ang ilang data para subaybayan ang performance at kalidad ng app.

Kontrolin ang iyong data

Opsyonal ang pagkolekta ng data ng Analytics. Para i-set up ang pagkolekta ng data: 

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2.  I-tap ang Privacy at pagkatapos ay Paggamit at Mga Diagnostic.

Para i-clear ang data ng device:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono. 
  2. I-tap ang Privacy at pagkatapos ay Android System Intelligence at pagkatapos ay I-clear ang Data.

Mga gawi sa seguridad

Nakakatulong ang Android System Intelligence, sa pamamagitan ng Private Compute Services, na panatilihin ang iyong privacy sa pamamagitan ng mga technique tulad ng federated learning at analytics para suriin at pahusayin ang performance ng mga feature. 

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3934294896287815792
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1634144
false
false