Kung nag-upload ka ng mga video na hindi maproseso ng Google Photos, dapat mong suriin ang mga ito. Kung hindi ma-play ng Google Photos ang iyong video, puwede mo itong i-delete, o baka puwede mo itong ma-download.
Mahalaga: Ibabawas sa iyong quota ng storage ang mga hindi sinusuportahang video na ia-upload pagkalipas ng Pebrero 24, 2020.
Para makita ang iyong mga hindi sinusuportahang video:
- Sa iyong computer, buksan ang https://photos.google.com/unsupportedvideos.
- Piliin ang mga video na gusto mong i-download o i-delete.
- I-download: I-click ang I-download .
- I-delete: I-click ang I-delete I-delete.
Kung magde-delete ka ng video, made-delete ito sa Google Photos, pero hindi sa iyong device kung nag-download ka ng kopya.
Tiyaking gumagana ang iyong video sa Google Photos
Dapat ma-play sa Google Photos ang iyong video kung ito ay:
- May habang hindi bababa sa 1 segundo.
- May tamang uri ng file, tulad ng .mp4, .mod, o .mmv.
- Nape-play kapag na-download sa iyong device. Kung hindi ito ma-play, posibleng sira ito.